Wednesday, 4 April 2018

Naririto pa ako

























Kung dito magtatapos ang lahat, daigdig,
hayaan mo akong humimlay sa kaparangang aking 
minamahal.
Dito ako may kapayapaan, dito pumipintig
ang puso na kahit ilang beses
masaktan ay hindi nagmamaliw 
sa pag-ibig. 

Kung dito matatapos ang lahat, hayaan mo akong 
dito mahimlay. Dito sa kanlungan
na laging bukas para sa mga sundalong
inupos ng digma, mga batang umuuwi sa bahay pagsapit ng dapit-hapon
mula sa maghapong paglalaro. Ganito ako nabuhay,
ganito rin 
mamatay. ###

freewrite because deadma sa acads lol

No comments:

Post a Comment