tag:blogger.com,1999:blog-55095134917983920862024-03-05T03:26:51.223-08:00mga espasyomgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.comBlogger131125tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-8637675231796036232023-11-27T06:23:00.000-08:002023-12-01T10:21:19.724-08:00Reunions
Higit 30 minutos na yata akong naghihintay para magload itong Canva page. Siguro, isang oras na rin akong nakatutok sa paggawa ng banner para sa batch reunion nitong Disyembre. Bukod sa pera (mandatory contribution) e ito na lang yata ang ambag ko bilang wala naman ako sa probinsya. At isa pa, wala akong balak um-attend sa reunion.
Matagal ko nang pinutol ang relasyon ko sa mga tao mula sa nakaraan katulad ng mga kaklase mula elementary hanggang kolehiyo. Mabibilang ko lang sa kamay ko yung nakakausap kong mga dating kaklase na naging kaibigan hanggang ngayon. Hindi ko naman sinasadya. Madalang akong umuwi sa probinsya kaya hindi na ako nakakasama sa outing or gatherings ng mga kaklase ng elementary o highschool. Hanggang sa hindi na rin ako invited kinalaunan. Hindi ko naman sila masisisi.
Sa papalit-palit ko ring account ng Facebook, mangilan-ngilan na lang din yung naging friend ko. Madalas yung masipag lang mag-add dahil intentional akong hindi rin naga-add unless may kailangan ako sa kanila. Besides, bukod naman sa paglalike or mandatory comments kapag birthday and all, hindi naman talaga kami nag-uusap. Pagkatapos ng mga lockdowns, yung nabuhay na group chat (project group, bloc group, school group, alumni group, etc.) ay isa-isang namatay. Bumalik lahat sa normal - tahimik.
Pero nitong nakaraang buwan nga, nabuhay itong group chat ng elementary batch dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng alumni homecoming. I find it weird na may alumni homecoming sa isang paaralan sa isang baryo na lagi namang nagkikita ang mga magkakaklase. Hanggang sa marealize ko na, oo nga naman, may mga katulad kong hindi na mahagilap ng mga kaklase ko noon. Kwento nga ng pinsan ko sa mama ko, kapag naririnig ng mga kaklase ko na umuwi ako ng bahay, nagdadalawang-isip sila kung dadalawin ako o hindi. Walang dalaw na nangyari, hindi rin naman ako lumalabas ng bahay. Kaya nagvolunteer akong gawin itong batch banner para sa souvenir program at pa-tarpaulin bilang ambag dahil balak ko ngang hindi pumunta sa reunion.
Habang ginagawa ko ito, nagbalik ang mga kaganapan noong kabataan. Habang isa-isa kong nilalagay ang litrato ng mga kaklase ko, inaalala ko yung mga memorable na bagay sa kanila.
Si L, na sinampal ako noong grade 5. Si C, na transferee at laging nakikipagsuntukan. Si K, na laging partner sa sayaw. Si I na ka-loveteam ko noong grade 2, Si A na lagi kong katabi sa upuan, si M na pasimuno sa mga kabulastugan sa classroom. At marami-rami pang mga alaala na nagpapangiti sa akin ngayon.
Kay bilis ng panahon, at hindi mo rin talaga malalaman kung saan ka dadalhin ng mga desisyon mo sa buhay. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila. Kung sakaling darating ako sa alumni homecoming ay masasabi ko bang 'successful' ako sa buhay? Ang petty, oo. Pero ito yata problema kapag achiever ka as a pupil/ student tapos bigla mong narealize na ang liit-liit mong dust sa universe. Ito yata ang rason ko kaya pinili kong paliitin ang circle ko, maging lowkey (kunwari). Dumaan ako sa phase na nagmamadali. Hanggang sa napagod. Hanggang sa tumigil.
This reminds me of BINI's song na Karera (lowkey fangirl). Ang sabi ng kanta, "di naman dapat matulin ang pagtakbo...buhay ay di karera." Siguro, pinipressure ko ang sarili kong ma-achieve ang isang bagay na sa tingin ko ay indikasyon ng success sa aking edad pero nakalimutan kong mabuhay sa now, sa present. Subsob ako sa trabaho nitong nakaraang sampung taon at nakalimutan ko ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin - magbasa, bumiyahe (nang hindi work-related), umattend ng mga gatherings, maglandi, etc.
O baka, hindi ko alam. May mga bagay pa akong pinoproseso sa sarili ko. Isang step siguro itong magreconnect sa mga elementary friends. Pero sigurado akong hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito. Hindi pa naman ito siguro midlife crisis (pero pwede rin kong 60-70 y/o ako mamamatay).
Genuinely happy naman ako sa mga ka-batch ko. Masaya siguro sa reunion kasi siguradong mala-piyesta ang kaganapan at magdamagan ang kwentuhan (at inuman).
Sa ngayon, itong paggawa ng banner muna ang aking sariling "alumni homecoming" o pagbabalik sa sarili at paghahanap sa mga bagay na nawala nitong nakalipas ng 20 taon.###
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-14029837355476937722021-02-27T07:30:00.002-08:002021-02-27T07:30:31.372-08:00Kumusta?
Bigla akong naluha habang nakikinig sa These Dreams ng Heart. Kay tahimik ng gabi, kay lamig ng Baguio. Andito akong nagtatanong bigla sa sarili ko kung bakit ako nakararamdam ng lungkot. Andito ba ulit ako sa hangganan?
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-55836607879160457152020-06-21T05:28:00.002-07:002023-11-27T06:17:35.269-08:00Isang umaga ng SabadoDumating ng maaga ang ulan para kay Joseph.
Alas singko ng umaga pa lamang ay nagising na siya; di katulad ng mga araw na may pasok siyang nagigising ng alas siyete o alas otso. Pero di ito tulad ng mga ibang gising - may katahimikan sa unang dilat ng mga mata niya. Walang bakas ng panaginip, walang naiwang antok. Ang tanging nararamdaman niya sa sandaling yun ay ang pagtigil ng oras, pag-aagaw ng liwanag sa mga anino.
Lumingon siya sa direksyon ng bintana. Nagliliwanag na sa labas.
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-21055200387195882752020-06-21T05:28:00.001-07:002023-11-27T06:18:01.909-08:00Diyos ng madaling-araw
Dumarating siya tuwing madaling araw
at pinupulot paisa-isa ang mga nawasak kong panaginip.
Isisilid niya sa ilalim ng unan at aalis nang hindi nagpapaalam.
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-18512178375037917212020-02-21T10:38:00.001-08:002023-11-27T06:16:54.653-08:00"Sa Muli Nating Pagkikita"
1. Tahimik ang Sunshine Park noong huling sindi natin ng sigarilyo. May mga saglit na katahimikan sa pagitan ng paghithit-buga. Paulit-ulit. Paulit-ulit.
2. Saglit kang tumanaw sa langit, maganda ang sikat ng araw, masigla ang mga puno. Nagmamadali ang lahat - mga jeep, taong nagdaraan, ang daigdig. Tayo ay naiiwang nakaupo sa parke, nagbibilang ng mga minuto, ng oras bago magpasya.
3. Alam natin noon, hindi na tayo babalik sa ganoong sitwasyon - nagpapalipas ng oras, namumuhay sa mga pagkaantala. Ang mga bagay, mga desisyong pipiliin natin mula sa araw na iyon ay siyang magtatakda ng ating hantungan. Nagdadalawang-isip ako noon, sigurado ka na. Nung araw na yun ay pinili nating magsulat tungkol sa mga sangandaan kahit na ang totoo'y ako lamang ang may alinlangan. Ako lamang ang walang sagot na sinabi mong aalamin mo "sa muli nating pagkikita." Nilisan natin ang liwasan nang hindi sigurado kung tayo'y magkikita pa o hindi na.
4. Ilang beses nating ibiniro ang kamatayan sa isa't isa at kinumbense ang mga sarili nating ito'y hindi maiiwasan.
5. Sa huli, sa magkabilang panig ng daigdig tayo napadpad. Gusto kitang maalala na masaya, katulad noong araw ng iyong kasal. Gusto kitang maalalang nakangiti habang nangungumusta kasama ng kape (ang huling araw din na tayo'y nagkita). Salamat, Finela.
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-31952150885381362862020-02-04T05:58:00.001-08:002020-02-11T04:06:17.796-08:00"Hintay" ang sabi ng panaginip sa magdamag
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-17553540286983356442019-09-30T22:35:00.003-07:002019-09-30T22:35:41.642-07:00PansamantalaMay isang hapong nasa taas ako ng isang burol sa Mabua (Surigao City). Tanaw ko ang malawak na dagat na may iba-ibang kulay ng asul. Malamig ang yakap ng hangin at ang mga puno ng niyog sa gilid ng dagat ay sabay-sabay na sumasayaw. Gusto kong tumigil ang daigdig noon pero patuloy sa paglalim ang mga anino tungong gabi. Kailangang bumaba, kailangang bumalik sa reyalidad.
Ito yung panahong inaalala ko ang kamatayan (dahil sa pagpanaw ng isang kapamilya). Ano nga ba ang meron pagkatapos ng hangganan? Alam kong darating din lang naman tayo sa dulo ngunit naiisip ko lang: bakit tayo nabubuhay sa lungkot, galit, at poot? Nakakapagod lumaban araw-araw.
Dito muna ako. Dito muna. ###
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-12243901222838658372019-09-28T00:40:00.002-07:002019-09-28T00:40:37.947-07:00May bulong itong umaga sa panaginip
May bulong itong umaga sa panaginip:
"dito ka muna."
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-35372406146873216072019-09-02T07:52:00.002-07:002019-09-02T07:52:19.697-07:00Minsan, masmalamig ang salitang "okey lang" kaysa sa katahimikan. May extrang pagod ang gabing ito.mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-83337915691170810292019-08-31T12:02:00.001-07:002019-08-31T12:02:03.244-07:00PanalanginPanginoon ng madaling-araw,
itawid mo ako
tungong panaginip.
Bigyan mo ako ng mas
payapang umaga. #mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-89648778613432523312019-08-28T06:15:00.000-07:002023-11-27T06:21:35.860-08:00Weathering with YouIto ang naintindihan niya matapos ang lahat-lahat:
Siya'y nabubuhay sa pagitan ng langit at lupa.
laging nagbabakasali, nagdududa.
Kasama ng mga estrangherong iniiwan lagi ng alaala
tuwing nais nilang tumakas sa lupa
at lumipad tungong langit kung nasaan ang pag-asa.
Nanalangin siya ng araw sa gitna ng ulan.
Ibinigay ng langit ang katiting na liwanag ngunit nais niya'y
tag-araw.
Nanalangin siya ng mahabang ulan sa gitna ng tag-araw. Dumating ang ambon.
Siya'y mortal sa ibabaw ng lupa at langit na kailanma'y hindi niya malilipad o masisid.
Ganoon siyang nabubuhay sa pagitan ng langit at lupa, ulan at araw,
galit at pag-ibig.
Habang buhay siyang maghahanap,
mababalisa pagka't hindi laging may araw sa tag-araw o ulan sa tag-ulan.
Siya'y estrangherong nabubuhay sa mga pagitan.#
OA pero emotional ako kanina buong pelikula hanggang sa maihi ako bigla nung malapit nang mag-end yung movie. Haha Anyway, ini-imagine ko na kung paano ilalapat yung kanta ng Radwimps sa pelikula katulad ng sa Your Name pero hindi ko pa rin napigilan mapa-shet sa tuwing papasok na ang music. May dalawang parte ng pelikula na napasigaw ang mga tao na walang kinalaman (on a significant manner?) sa movie itself. Hindi ako lubusang naka-move on sa Your Name dahil sa pelikulang ito. Bigyan niyo ako ng resolution. Shet.
Anyway, ang masasabi ko lang ay familiar ang pakiramdam sa pelikulang ito. Train, crossroads, skyline, sunsets, ulan, spaces. Mas moderno dahil sa Tokyo ginawa ngunit kasing pasabog pa rin ng Your Name pagdating sa paglalapat ng fantasy at myth sa buhay ng mga character. Makulay pa rin siya in terms of setting. Malikot ang cinematography in a nice manner. Favorite yata ni Makoto Shinkai at ng production team yung staccato-montage style ng close up to medium to long shots na pinalamanan ng silences (hindi ko alam ang tamang term, natulog ako sa film class). Siyempre madrama but this is more direct than Your Name na kinuha sa silence, close ups, space, at music rin in a timid manner. Ganito rin naman itong Weathering with You pero mas diretso ng kaunti kaysa sa Your Name. Ang gulo ko rin, no?
All in all, gusto ko itong pelikulang ito lalo na at maulan dito sa Baguio at lahat ay nananaginip ng kaunting araw sa mahaba ngunit masalimuot na tag-ulan. ###mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-74425567477655286722019-08-24T23:41:00.004-07:002019-08-24T23:41:40.301-07:00An old dramaHababg nakikinig sa Skinny Love ni Bon Iver, habang nag-aayos ng mga libro, nakita ko ang isang lumang-lumang printed article mula Philippine Collegian. It sorts of hurt to remember your smile ni Glen Diaz.
Ito ang paborito kong linya:
"And while in the future, I might find someone, who will reintroduce me to that rare feeling which you so effortlessly brought and kept, I know, there are names and faces that change everything like cyclones in a field, that leave us with with scars, beautiful and memorable, and we are never the same since."
Matutulog na lang muna ako. #mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-11625308922067024172019-08-11T11:10:00.000-07:002019-08-11T11:10:26.109-07:00Walang Hanggang Tag-ulanNoong araw na nanalangin ako ng mas mahabang tag-araw ay ang araw na nawala ka. Kasunod noon, habang himbing ang daigdig, dumalaw ang unang ulan ng Hunyo: nagpakilala at nagbabala ng mas mahabang mga araw ng ulan.
Mula noon, bubuksan ng hamog ang umaga at ikinakalat ang sikat ng araw sa dingding at bintana. Ang paggising ay pakikipagtunggali sa pagitan ng panaginip at lumbay. Ang araw ay magtatapos nang may hamog sa mga daanan at sinasakop ang siyudad tungong kadiliman. Wala ka pa rin.
Nagsimula ang pag-ulan tuwing tanghali. Kaunting araw at muling magbabalik ang ulan na nagpapahiwatig ng mas mahabang pananatili. Ang init ng tanghali ay naging lamig na dati'y sa gabi lang dumarating. Mas mahaba na ang ulan kaysa araw, ang lamig kaysa init, ang lumbay kaysa saya.
Nagsimula ang pag-ulan tuwing hapon kasabay ng makapal ng hamog. Ang alas singko'y pagluha ng langit. Ang mga kalye'y nalulunod. Magtatapos ang araw na walang araw, ang dilim ay mas madilim sa anino. Ang lamig ay mas malamig sa yelo. Wala ka pa rin.
Nagsimula ang mas mahabang pag-ulan sa gabi habang lahat ay nagkukukot sa kanilang mga higaan. Nagkukulang ang kumot, nawawala ang init. Mas humihigpit ang yakap sa unan. Mas lumalawak ang kuwarto. Nasasanay sa tunog ng ulan sa bubungan; hindi na siya estranghero, hindi na siya bago.
Wala ka pa rin. Ang narito ay ang lamig na laging nakamasid sa bintana, kumakatok sa pintuan; pahiwatig ng walang hanggang tag-ulan. #
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-84857094960072210962019-05-03T09:48:00.001-07:002019-08-11T20:58:36.494-07:00Pagbabalik sa Vergara Alley
Masikip ito noon para sa ating dalawa. Hindi tayo magkasya kapag sabay tayong bumibili ng kape at sigarilyo sa 7/11. Nag-aalala pa tayo sa maaapakang pusa tuwing madaling-araw kaya’t banayad nating binabagtas ang makipot na eskinita
hanggang sa masaulo nating pareho ang mga bitak at mga nakausling semento
hanggang sa hindi na tayo napapatid at nasanay maglakad nang may pag-iingat.
Masikip ang Vergara Alley. Lumawak na lamang ito noong hindi mo na dinaraanan, noong ibang kalye na ang iyong tinutungo, magkaibang bahay na ang ating inuuwian.
Akala ko’y saulo ko na ang eskinitang ito; masyado pala itong malawak para sa mga nag-iisa.
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com5tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-47063551536758850922018-11-09T08:39:00.004-08:002019-08-11T20:58:25.951-07:00Ulap
Sa maikling oras na kasama ko siya, hindi ko sigurado kung siya ba ang yakap ko o ang ulap. Tag-ulan sa aking dibdib. ###
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-36560074678108909042018-10-22T08:39:00.002-07:002018-10-22T19:09:34.708-07:00EncountersMabilis lang 'to. Patayin ang ilaw. Humiga sa kama. Patugtugin ang Feelings ng Up Dharma Down sa Spotify, Youtube, etc. bahala ka. Basta sandali lang ito.
Araw-araw tayong pinapanday ng buhay para sa digmaan na hindi natin alam kung kailan darating (ngunit ang araw-araw naman ay digmaan: mga personal na tunggalian na umaalpas sa mga kontradiksyon ng lipunan).
Araw-araw tayong nagagalit at nanunuyo, namumuhi at nagmamahal.
Minsan, nakakalimutan na nating mabuhay at nasanay na tayong maging bahagi lamang ng isang siklong nabubulok hanggang kamatayan.
At ika'y dumating. At ika'y dumating.
Kumusta ka, hatinggabi? Kay tagal nating hindi nagkita. ###
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-74806082572831174332018-08-27T07:28:00.001-07:002018-08-27T07:28:29.326-07:00Paalam, Aming AnghelMaraming masasayang bagay sa daigdig, Angel Gab. Masarap magmahal, masarap umibig. Kasama din nito ang sakit, mga paglisan at pamamaalam. Ngunit lahat yun ay kasama ng buhay. Ito ang tamis at pait ng mga mortal.
Hindi mo na ito mararanasan ngunit sana'y madama mo ang tamis ng aming pagmamahal lalo na ng mga magulang mo.
Mahal ka namin at lagi kang nasa aming puso. Isama mo ang mga yakap namin sa iyong paglalakbay. Paalam Baby Angel Gab. Mahal ka namin lagi't lagi. ###
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com3tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-16813447904159330062018-06-24T15:45:00.002-07:002018-06-24T15:45:36.911-07:00ParbangonParbangon.
May hindi sinasabi ang mga dahon.
Sa pagitan ng liwanag at dilim, nakabantay sila sa bawat yapak, bawat hingal, at bawat pagtatangkang huwag mangamba.
Hindi nila sinasabi ang ngalan ng mga nauna, mga nag-iwan ng mumunting bakas.
Hahayaan ka nilang sundan ang mga daang natahak,
mga bundok na hindi mo akalaing may lalim tulad ng dagat,
may lawak tulad ng kalawakan.
Hindi nila sinasabi
na ang mga ngalan ay hindi na muling mabibigkas kailanman ngunit
hindi ito paglimot. Ito ay pagpapatuloy
at pagpapaalala.
May lihim ang mga dahon. ###mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-33484698346677396402018-06-16T09:41:00.000-07:002018-06-16T09:41:15.286-07:00Malungkot ang lungsodKasama yata nitong ulan ang lungkot. Maghapon nasa kama ngumit maghapon ding pagod.
Bubuksan ang Instagram at makikita kang masaya na hindi na ako ang kasama. Magdi-deactivate ng Facebook, ng Instagram, etc.
Tanghaling tapat pero nakatambay pa rin sa kama. Titingin sa bintana. Maulap pa rin. Malamig pa rin. Maulan pa rin.
May kasama talagang lungkot itong ulan. Naalala ko bigla yung tulang naisulat ko noon, ganito rin yata ang pakiramdam ko ngayon - "tag-ulan sa aking dibdib at hindi ka kasama."###mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-68134939810355436842018-05-16T07:16:00.000-07:002018-05-16T07:19:37.032-07:00"If it feels right, all's okay"Tinanong ko siya matapos ang mahabang intro, "So, anong gusto mo, lalaki o babae?" tanong ko.
Ngumiti siya ng kaunti. 'Yung tipong may sundot sa gilid ng labi na parang alam niyang aabot kami sa usapang ganoon.
Kasama ko siya araw-araw sa opisina. Isa o dalawang taon na yata ngunit madalang kaming mag-usap. Nasa IT department siya, nasa field operations ako. Hindi nagtatagpo ang mga mundo namin at laging nasa pagitan kami ng mga cubicle, steel cabinet, at printers. Ang pinakamahabang usapan namin na naaalala ko ay noong nagpatulong akong mag-install ng Adobe InDesign.
Ako: May installer ka?
Siya: Um, meron yata.
Ako: Pa-install naman...if di ka busy.
Siya: Sige.
Ako: Thanks poooooo. *pabebe*
Laptop: ...
Mesa: ....
Coffeemaker:...
Boss namin: .....
Sa mga ganitong office party lamang kami nagkakausap ng mas matagal at nakakapag-usap ng ng mas personal.
"So, ano nga? Okay lang namang di ka sumagot. Hahaha." pahabol ko.
"Um..." nagkagat labi muna siya bago sumagot at umayos ng pagkakasandal sa poste. Tumingin siya sa mga kasamahan naming nagvivideoke tsaka humithit ng sigarilyo. Tumingin siya sa akin.
"Depende. Hindi ko naman mapipili ang gusto ko. Basta masaya ako, at kung pakiramdam mo tama, wala namang isyu yun. Okay na sa akin kahit sino o ano pa siya."
Hindi ako umaasa ng matinong sagot pero pakiramdam ko ay nasa beauty pageant ako.
"Taray! Pak! Tangina! Ano na pota!" ang sabi ko sa loob-loob ko.
Marami akong follow up questions ngunit ni isa, walang lumabas sa aking bibig. May lamig itong hapon at tila napalibutan kami ng hamog na kanina pa nagbabantay sa aming ulunan. Malawak ang kalawakan, malawak ang Baguio, at pakiramdam ko, ako ang sentro de grabedad ng mundo sa mga oras na ito bago muling bumulong ang katotohanan sa aking kaliwang tenga:
"Huwag kang umasa."
Umalis na siya pabalik sa kumpulan habang hinihithit ko ang huling usok sa aking sigarilyo. ###
*titulo mula kay Puen ng Project Smgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-54108490058012634252017-08-23T01:11:00.001-07:002019-08-11T20:58:55.400-07:00Laundry Day"Kung liligaya ka sa piling ng iba..."
Ito ang tugtog sa loob ng laundry shop. Medyo may tampuhan yata itong mag-asawang may-ari ng shop. Kanina pa ipinapapatay ng lalaki ang tugtog. Nakatingin lang sa labas si ate. Itinangay ng jeep ang pag-iisip. Mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa labas. Nakikisabay ang busina ng mga jeep sa boses ni Imelda Papin, kasabay ng ikot ng mga laundry machine. Paulit-ulit.
Ito siguro ang musika nila araw-araw. Ganito sila umiibig at nagtitiis. ###
At lagi rin akong hindi handa.
Ako- na laging nakapako sa gabi,
At ikaw na laging lumilisan pagsapit ng umaga.
Nang hindi ko namamalayan.
Tumatawid tayo sa magdamag at
Ako ang laging nauupos pagdating ng umaga,
Paano ako kikilos, paano ako
aalis sa aking kama? ###
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-63361371339548404742017-02-11T08:31:00.002-08:002017-02-11T08:32:34.187-08:009.6°C dito sa Baguio
mula sa kabilang dulo ng kama
hanggang sa kapeng kanina ko pa
natimpla. Ganito na lang lagi tuwing umaga.
Darating ka kaya?
Darating ka kaya?
Kay tagal nang sinabi mong "nandyan na"
Isang taon na akong
gumigising at
nagkakape
nang
mag-isa.
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-86922010270756944832016-12-13T02:47:00.004-08:002017-12-14T05:01:35.926-08:00Nang bumaba saglit ang mga ulap
hinalikan mo ako. 'Yung simpleng good night ay naging halik at 'yung simpleng "mauna na ako" ay naging date. <o:p></o:p>
Nang huling naging ganito ka kalambing at tila nananabik ay nawala ka bigla na
parang bula. Nakatatakot at nakagugulat ngunit hindi ako nababahala sa
posibilidad nang muling pagkabigo. ### 2012 <o:p></o:p>
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-5509513491798392086.post-13835810639130199332016-12-13T02:46:00.001-08:002016-12-13T02:49:39.470-08:00Matulog ka ng mahimbing Apocalypse Child
na ng hapunan. Magsisindihan na ang mga ilaw sa mga bahay-bahay na sa malayo’y tila
mga bituing nahulog sa lupa. Sinasakop ng hampas ng alon ang katahimikan, at
isang gabi muli at magdaraan.<o:p></o:p>
dagat, pagsakay sa mga alon kasama ng surfing board. Pwede rin itong pagkaumay
sa siklo ng buhay dito sa dalampasigan. Nakatatakot kapag napagtantong ito’y
pangungulila, lalo na sa mga bagay na hinding-hindi na maibabalik o babalik pa. ### <o:p></o:p>
mgaespasyohttp://www.blogger.com/profile/17775084535148621940noreply@blogger.com0