Tuesday, 27 September 2016

Thursday, 22 September 2016

Iwanan muna ang iyong mga pangamba


"Aking mundo
Ihimlay ang pagal mong katawan
Sa duyan ng kalawakan.
Hayaang maghilom
Ang mga sugat sa iyong dibdib
Na likha ng mga tao.

At itigil ng isang saglit 
Ang iyong paggalaw.
Pagkat sa muli mong pag-inog
Ay may may bago nang bukas."
- Oyayi ng Mundo, Buklod

Sunday, 18 September 2016

Drafts


2.       Wakas

Gumayak ang usok ng aking sigarilyo sa
kawalan.
Binuo nito ang iyong larawan.

3.       Mensahe

Sa palad mo
isinulat ko ang hindi naipadalang liham.
Huwag mo na sana akong muling bitawan.

5.       Larawan

Malalim kung sisisirin ang iyong dagat.
At pagtingala ko sa langit,
nabasag sa milyong lagusan ang iyong liwanag.

6.       Dapit-hapon

Rumaragasa sa lungsod ang milyong memorya.
Ang naisaulo ko lamang 
ay ang iyong pagkawala.

7.       Paglimot

May matamis na lasa
ang huling higop ng kape -
mga naipong asukal
ng iyong ngiti.

###


                     

MIBF2016

So, imbes na gawin ko ang assignment ko today, pumunta ako sa SM MoA para sa Manila International Book Fair (MIBF) 2016. 

Ito ang unang beses na pumunta ako ng MIBF at katulad nga ng sinabi ng ilang kaibigan, isang masalimuot ngunit masayang karanasan ang MIBF. 

Anyway, ito lamang ang mga librong nabili ko. Kaya bago pa ako makapaghanap ng kaaway at makasiko pa ng mas maraming batang bibo, umalis ako ng maaga pagkatapos ng apat na oras ng pakikipagtagisan. 




PS. Grabe ang mga teenagers ngayon. Ang dami nilang pera. Hahaha Pero mabuti na rin na at least, nagbabasa pa rin sila. ###

  

Friday, 16 September 2016

Saglit na Pagtakas

"Saglit lang" sabi niya.

Humakbang siya ng kaunti, papalayo.
"Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to" dagdag niya. Tumigil ang daigdig. Narito kaming magkaharap sa isa't isa na tila naghahanda para sa isang seremonya. Tumahimik ang paligid habang nakatitig ako sa kanya, sa kanyang labi, sa kanyang mata.

May mga sinabi siya pero hindi ko naintindihan, hindi ko na narinig. At lumutang siya palayo sa akin, papalayo na hindi na kayang abutin ng mga kamay ko.
Ganoon kahaba ang saglit na iyon sa akin. ###

Sa Puntod ni Andrew

Iba-ibang tao ang nagsabi sa kanya ng mga salitang "sigurado ako dito, sigurado ako sa'yo" pero kailanman, hindi siya nakaramdam ng kasiguruhan maliban sa isang bagay: lahat sila aalis, lilisan. 

###

Sa Kama, Unang Halik

"Kinakabahan ako sa'yo." Ilang beses niyang inulit 'yun. 

###

Sunday, 11 September 2016

Paglimot | Siyudad



Tinuturuan tayong lumimot ng siyudad.
Ginagawa tayong estranghero: habang buhay na naghahanap at nangingilala.

Hantungan




























Sasaglit siya, isang hapon, sa iyong alaala
at itatangay na niya ang lahat ng masayang bagay
ng daigdig.