Pinapatay tayo ng daigdig na ito sa kabila ng pananalig natin sa magandang bukas. Pinapatay tayo ng pangungulila kahit na libong alaala na ang nakasukbit sa ating isipan. Kabalintunaan ang umibig sa mga bagay na mawawala at hindi permanente. Tangina.
###
Monday, 26 May 2014
Sunday, 18 May 2014
Lunes, Maulap na Umaga
A,
Noong Pebrero ang huli nating pagkikita na siya ring
huling dalaw ko sa UP. Tinapik mo pa ako at sabi mo, “oh nakita ko yun.” Ang
tinutukoy mo ang 'yung pagyakap ko sa dati kong crush na nai-kwento ko sayo noon.
Hindi ko naman alam na sa muling pagpunta ko sa UP ay necrological service para sa'yo ang aking dadaluhan. May pamilyaridad ang
pagpunta sa UP kahit gaano pa katagal akong hindi makadalaw o makabalik pero
kanina, ibang lamig ang naramdaman ko kahit pa tirik na tirik ang araw.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Guilt o
lungkot, hindi ko alam. Guilt dahil sa mga bagay na nasabi ko sa'yo kahit pa
nagkaayos na tayo. Pakiramdam ko ay hindi sapat ang sorry para sa mga bagay na 'yun. Lungkot dahil sa isang banda, naging magkaibigan naman tayo at may
pinagsamahan.
Ang huli nating seryosong usapan ay noong nagkape tayo
para ayusin ang lahat ng bagay. Ilang beses mong tinanong na “minahal mo ba ako?”
Ilang beses din akong tumangging sumagot. O pareho ba tayong nagbibiro noon?
Nakakamiss ka rin pala. Cliche.
Kanina, gusto kong magsalita sa harap. Gusto ibahagi ang
nararamdaman ko tungkol sa iyong pagkamatay pero nahiya ako.
Masayahin kang tao at marami kang taong napasaya. Ang
iyong pagkamatay ay paalala na hindi permanente ang buhay sa mundo at dapat
nating sulitin itong oras na mayroon tayo.
Huling-huli at maling-mali na sabihin ko ngayong “salamat” pero ito lang yata ang kaya kong sabihin sa kabila ng lahat.
###
###
Subscribe to:
Posts (Atom)