Sunday, 8 March 2015

Pagudpud, Pagbabalik

Ikinuwento mo sa akin kung anong mga ginawa niyo ng karelasyon mo sa Baguio noong Disyembre. Nakikinig lang ako. Tumatango paminsan-minsan. Sumusulyap sa bintana, sa labas ng sasakyan, sa iyong mukha kapag hindi ka nakatingin.
“Ang saya nga noon eh. Sana nandito ulit siya” sabi mo.
Bigla yatang humaba ang biyahe mula Laoaog City tungong Pagudpud ng mga oras na ‘yun. Gusto kong malusaw. Mahina ang aircon. Putangina. Kanina ko pa gustong bumaba. Lahat ng kuwento mo, tumatagos sa puso ko.
“Bakit ba hindi tayo nagkita noong nasa Baguio ako?” tanong mo. Ngumiti ako.
“Mayroon ka naman nang kasama” sagot ko.
Napatigil ka. Nawala ang saya mo sa pagkukuwento. Umiwas ako ng tingin. Ganoon ka rin.
Pinagmasdan ko kung paanong mabilis na lumilipas ang lahat ng bagay sa labas ng sasakyan. Naiiwan, nahuhuli yata ako.
Lumakas ang aircon sa loob ng van at nanlamig ang sasakyan. Katulad ng distansya ng Laoag at Pagudpud ang ating pagitan. ###

8 comments:

  1. Conversation ender kasi yung reply. Mas lummamig tuloy ang aircon.

    ReplyDelete
  2. Medyo awkward ata yung nasabi mo sir hahaha

    ReplyDelete
  3. SYET. Ganyan mga banatan ko irl, yung mga ganyan, o kaya "Masaya ka naman noon kahit di ako kasama mo", o "Okay ka naman ah", o "Kelangan pa ba?". Huhuhuhu!

    ReplyDelete
  4. awkward...... Iba't iba talaga ang mga kwento ng buhay kapag napadpad ka sa Baguio, Pagudpud, Laoag... basta sa diyan sa north.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Norte, hangganan ng pag-ibig. charo lang. luma-lav diaz. haha

      Delete
  5. ayy taragis medyo awkward ang ganyan.. di mo minsan alam kung anung susunod na eksena..

    ReplyDelete
    Replies
    1. kumakain kami noon ng chicacorn mula sa iisang pack. hindi na ako kumuha baka madampi ko yung daliri niya. baka mapaso ako sa coldness niya. haha

      Delete