May kalungkutan itong mga restaurant at kainan. May
kakaibang pait itong kape, usok ng sigarilyo, at malamig na hanging kanina pa
kumakalabit sa akin.
Hinahanap pa rin kita sa mga sulok, mga eskinita,
sa mga lunang dati nating pinuntahan.
Ilang beses o ilang taon pa ba akong maggagalugad at aasa
sa mga baka sakali –
mga muling pagkikita,
mga pagbabalik,
at muling pagsasama.
Marami nang nabago. Pero naririnig ko pa rin sa Echo
Valley ang
alingawngaw ng mga salitang sinabi mo,
“Mahal kita.”
Nasasabik pa rin ako sa mga umaga. Baka
nasa tabi lang kita at handang samahan akong maglakad sa
lilim ng mga punong pino.
Nasabik pa rin ako tuwing dapit-hapon dahil baka mula sa
dulo nitong kalye ay dumating ka’t samahan akong habulin ang huling sikat ng
araw.
Nasasabik pa rin ako init ng bonfire kasama ka. Nasasabik
ako lagi sa’yo.
Nalulungkot ako dahil hindi kayang tangayin ng ulan ang
mga alaalang ito na akala ko ay naibaon ko sa maraming nagdaang taon na wala
ka. Ikaw ang laging hantungan ng lahat ng bagay at
hindi mo ako pinatatakas sa kalungkutan
na habang buhay kong bitbit kasama ng iyong alaala.
Mahal pa rin kita aking Sagada. ###
Pasensya na. Mula 2009, hindi pa rin ako umuusad sa aking buhay. Punung-puno na ang blog na ito tungkol sa Sagada at kalungkutan.
Shit ka, Space. Na-miss ko rin tuloy "siya" bigla. Hay
ReplyDeleteParehas ata tayo, di pa rin maka-move on...
Sabay tayong mag move on. Hehe
DeleteHuwag mo madaliin ang pag move on. Ang ganda ng mga piyesa mo dahil hindi ka pa nakakausad. #FanHere
ReplyDeleteHahahahaha Salamat! :)
Delete"Ikaw ang laging hantungan ng lahat ng bagay at
ReplyDeletehindi mo ako pinatatakas sa kalungkutan
na habang buhay kong bitbit kasama ng iyong alaala."
*buntong-hininga*
*sindi ng yosi*
*tingin sa kawalan*
*bigti*
Hi Essa!
Delete