Wednesday, 5 August 2015

Hantungan

K:

Ito na ba ang araw na yun?

Naaalala mo 'yung usapan natin na ayaw nating tumanda, na dapat mamatay tayo ng maaga? Katulad sa Norwegian Wood, mananatili tayong bata kasi
'ayaw nga nating tumanda.
Ayaw nating mag-isang tumanda.
Ayaw nating mag-isa.

Ang sabi mo, mamamatay ka siguro kapag 33 ka na. Mamamatay ka sa cancer. Ang sabi ko naman, sana kapag namatay ako, isang pikit lang tapos hindi na ako magising.

Kanina, naalala ko ang usapan natin. Kanina, habang naghihintay ako sa ospital, naalala ko ang usapan natin.

Sabi ko pa noon sa iyo, baka hindi ako umabot ng 28 dahil sa lifestyle ko. Kanina sa ospital naalala ko lahat ng sinabi ko.

May nagbabadya sa mga alaala ngunit hindi ko lang sigurado kung ano.

Sa unang pagkakataon yata, nalunod sa katahimikan ang buong ospital habang nananalangin ako na sana
hindi ito cancer. ###

3 comments:

  1. Replies
    1. Magtatype sana ako ng magandang reply sa "sana nga hindi" pero wala akong maisip.

      Delete
  2. Walang tag kung totoo o fiction.

    Hanga na naman ako kung paano ka magsalaysay. Ang husay mo, as usual :)

    ReplyDelete