Una, laging may dalang kalungkutan ang umaga.
Mag-aalmusal ka ng pighati at matutulog kang umaasa.
Pangalawa, lagi kang naliligalig. Walang habang buhay.
Walang "tayo" na habang buhay.
Pangatlo, titigil ang mundo. Titigil ka at hindi na
maghahanap.
Pang-apat, babalik at babalik ka sa una, sa
pangalawa, sa pangatlong pagkakataong muli kang aasa at mag-iisa.
Panglima, hindi ka sapat. Sa inyong dalawa, hindi ka
nagbilang o nanukat. Ikaw ang nagbigay ng higit ngunit hindi ka pa rin sapat.
Pang-anim, masasanay ka sa sakit. Masasanay kang mabuhay
kasama ang lahat ng kasalungatan ng salitang pag-ibig.
Pang-pito, maiintindihan mong ang pag-ibig ay hindi
lamang pagmamahal. Ito rin ay galit.
Pang-walo, darating ang wakas.
Pang-siyam, mag-iisa ka sa hangganan ng galit at poot.
Ikaw na lamang ang naiwan.
Pang-sampu, isang hakbang at may bagong simula sa wakas.
###
*Pasintabi kay Juan Miguel Severo