Friday, 25 September 2015

Sampung Bagay na Natutunan ko Pagkatapos Umibig*

Una, laging may dalang kalungkutan ang umaga. Mag-aalmusal ka ng pighati at matutulog kang umaasa.
Pangalawa, lagi kang naliligalig. Walang habang buhay. Walang "tayo" na habang buhay.
Pangatlo, titigil ang mundo. Titigil ka at hindi na maghahanap.
Pang-apat,  babalik at babalik ka sa una, sa pangalawa, sa pangatlong pagkakataong muli kang aasa at mag-iisa.
Panglima, hindi ka sapat. Sa inyong dalawa, hindi ka nagbilang o nanukat. Ikaw ang nagbigay ng higit ngunit hindi ka pa rin sapat.
Pang-anim, masasanay ka sa sakit. Masasanay kang mabuhay kasama ang lahat ng kasalungatan ng salitang pag-ibig.
Pang-pito, maiintindihan mong ang pag-ibig ay hindi lamang pagmamahal. Ito rin ay galit.
Pang-walo, darating ang wakas.
Pang-siyam, mag-iisa ka sa hangganan ng galit at poot. Ikaw na lamang ang naiwan.
Pang-sampu, isang hakbang at may bagong simula sa wakas. ###

*Pasintabi kay Juan Miguel Severo
 

11 comments:

  1. naiyak ako.. Ang sakit eh... Huhuhubels.

    ReplyDelete
  2. Kahit medyo dismal ang karamihan ng naunang siyam, positibo pa rin ang panghuli.

    Galing! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Depressing din 'yung 10. 'Yung magsisimula ka ulit tapos darating ulit yung 1 2 3 4 5 6 7 8 9...pero masarap yata talagang magmahal, ano?

      Delete
    2. Iba ang naramdaman ko sa #10. Hindi lungkot, bagkus ay pag-asa. :)

      Delete
    3. Pag-asa na sa pagkakataong ito, hindi mo na ulit mararanasan ang #1-#9. I guess subjective yung #10. :)

      Delete
    4. Yun naman yun haha (nega lang ako sa pag-ibig na yan charot).

      Delete
  3. Napapatungo na lang ako sa pagsang-ayon habang nagbabasa. *hehe*

    ReplyDelete
  4. ngunit ang pag-ibig, gaano man ito kasakit, sadyang babalik-balikan. idrk. lol

    ReplyDelete
  5. Nice post! Reminds me of Six Degrees of Separation ng The Script.

    blog hopping lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Super Sam! Salamat sa pagdaan. Mapakinggan nga ang kantang yan. Hehe

      Delete