Tuesday, 13 December 2016

Nang bumaba saglit ang mga ulap

Nagulat din naman ako nang hindi ako umalma noong hinalikan mo ako. 'Yung simpleng good night ay naging halik at 'yung simpleng "mauna na ako" ay naging date.

Hatinggabi at nahahati rin ako kung ano ang mararamdman. Nang huling naging ganito ka kalambing at tila nananabik ay nawala ka bigla na parang bula. Nakatatakot at nakagugulat ngunit hindi ako nababahala sa posibilidad nang muling pagkabigo. ### 2012 

Matulog ka ng mahimbing Apocalypse Child

Pumasok na ang pusa sa bahay. Lumubog na ang araw at oras na ng hapunan. Magsisindihan na ang mga ilaw sa mga bahay-bahay na sa malayo’y tila mga bituing nahulog sa lupa. Sinasakop ng hampas ng alon ang katahimikan, at isang gabi muli at magdaraan.


Siguro pagod ito ng maghapong paglangoy at sisid sa dagat, pagsakay sa mga alon kasama ng surfing board. Pwede rin itong pagkaumay sa siklo ng buhay dito sa dalampasigan. Nakatatakot kapag napagtantong ito’y pangungulila, lalo na sa mga bagay na hinding-hindi na maibabalik o babalik pa. ### 

Tuesday, 25 October 2016

Pananaginip

May isang Sabado noon sa bahay na nakaupo lamang tayo sa mesa, nagyoyosi at nagkakape. Hinihintay ang oras. Marami tayong oras noon. Hindi tayo naghahabol. Hindi kagaya ngayon. #


Posibilidad ng pagkalunod

Pinipigilan kong tangayin ako ng katamaran nitong mga nakaraang araw. Alam ko, alam ko. Walang akong karapatang magreklamo sa mga bagay-bagay na ginagawa ko ngayon dahil una, pinili ko ito at pangalawa, wala akong choice kundi gawin ang mga ito. 
Alam kong pagsisihan ko kapag nagpabaya ako sa trabaho at sa eskwela pero parang masyado na yatang mabigat pareho na hindi ko na kayang pagsabayin. Ang babaw nitong reklamo ko sa buhay at dahilan ng pagkatamad ko nitong nakaraang mga araw. 
Ganoon yata talaga kapag galing ka sa isang mahabang biyahe, bakasyon mula sa lugar na malayo sa siyudad. 
Basta. Hindi ko alam. Bahala na. Sa ngayon ang nasa isip ko lang ay ang magising sa Culion, sa paraisong ito:


Tuesday, 27 September 2016

Thursday, 22 September 2016

Iwanan muna ang iyong mga pangamba


"Aking mundo
Ihimlay ang pagal mong katawan
Sa duyan ng kalawakan.
Hayaang maghilom
Ang mga sugat sa iyong dibdib
Na likha ng mga tao.

At itigil ng isang saglit 
Ang iyong paggalaw.
Pagkat sa muli mong pag-inog
Ay may may bago nang bukas."
- Oyayi ng Mundo, Buklod

Sunday, 18 September 2016

Drafts


2.       Wakas

Gumayak ang usok ng aking sigarilyo sa
kawalan.
Binuo nito ang iyong larawan.

3.       Mensahe

Sa palad mo
isinulat ko ang hindi naipadalang liham.
Huwag mo na sana akong muling bitawan.

5.       Larawan

Malalim kung sisisirin ang iyong dagat.
At pagtingala ko sa langit,
nabasag sa milyong lagusan ang iyong liwanag.

6.       Dapit-hapon

Rumaragasa sa lungsod ang milyong memorya.
Ang naisaulo ko lamang 
ay ang iyong pagkawala.

7.       Paglimot

May matamis na lasa
ang huling higop ng kape -
mga naipong asukal
ng iyong ngiti.

###


                     

MIBF2016

So, imbes na gawin ko ang assignment ko today, pumunta ako sa SM MoA para sa Manila International Book Fair (MIBF) 2016. 

Ito ang unang beses na pumunta ako ng MIBF at katulad nga ng sinabi ng ilang kaibigan, isang masalimuot ngunit masayang karanasan ang MIBF. 

Anyway, ito lamang ang mga librong nabili ko. Kaya bago pa ako makapaghanap ng kaaway at makasiko pa ng mas maraming batang bibo, umalis ako ng maaga pagkatapos ng apat na oras ng pakikipagtagisan. 




PS. Grabe ang mga teenagers ngayon. Ang dami nilang pera. Hahaha Pero mabuti na rin na at least, nagbabasa pa rin sila. ###

  

Friday, 16 September 2016

Saglit na Pagtakas

"Saglit lang" sabi niya.

Humakbang siya ng kaunti, papalayo.
"Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to" dagdag niya. Tumigil ang daigdig. Narito kaming magkaharap sa isa't isa na tila naghahanda para sa isang seremonya. Tumahimik ang paligid habang nakatitig ako sa kanya, sa kanyang labi, sa kanyang mata.

May mga sinabi siya pero hindi ko naintindihan, hindi ko na narinig. At lumutang siya palayo sa akin, papalayo na hindi na kayang abutin ng mga kamay ko.
Ganoon kahaba ang saglit na iyon sa akin. ###

Sa Puntod ni Andrew

Iba-ibang tao ang nagsabi sa kanya ng mga salitang "sigurado ako dito, sigurado ako sa'yo" pero kailanman, hindi siya nakaramdam ng kasiguruhan maliban sa isang bagay: lahat sila aalis, lilisan. 

###

Sa Kama, Unang Halik

"Kinakabahan ako sa'yo." Ilang beses niyang inulit 'yun. 

###

Sunday, 11 September 2016

Paglimot | Siyudad



Tinuturuan tayong lumimot ng siyudad.
Ginagawa tayong estranghero: habang buhay na naghahanap at nangingilala.

Hantungan




























Sasaglit siya, isang hapon, sa iyong alaala
at itatangay na niya ang lahat ng masayang bagay
ng daigdig.