Pinipigilan kong tangayin ako ng katamaran nitong mga nakaraang araw. Alam ko, alam ko. Walang akong karapatang magreklamo sa mga bagay-bagay na ginagawa ko ngayon dahil una, pinili ko ito at pangalawa, wala akong choice kundi gawin ang mga ito.
Alam kong pagsisihan ko kapag nagpabaya ako sa trabaho at sa eskwela pero parang masyado na yatang mabigat pareho na hindi ko na kayang pagsabayin. Ang babaw nitong reklamo ko sa buhay at dahilan ng pagkatamad ko nitong nakaraang mga araw.
Ganoon yata talaga kapag galing ka sa isang mahabang biyahe, bakasyon mula sa lugar na malayo sa siyudad.
Basta. Hindi ko alam. Bahala na. Sa ngayon ang nasa isip ko lang ay ang magising sa Culion, sa paraisong ito:
No comments:
Post a Comment