Friday, 9 November 2018
Ulap
Monday, 22 October 2018
Encounters
Mabilis lang 'to. Patayin ang ilaw. Humiga sa kama. Patugtugin ang Feelings ng Up Dharma Down sa Spotify, Youtube, etc. bahala ka. Basta sandali lang ito.
Araw-araw tayong pinapanday ng buhay para sa digmaan na hindi natin alam kung kailan darating (ngunit ang araw-araw naman ay digmaan: mga personal na tunggalian na umaalpas sa mga kontradiksyon ng lipunan).
Araw-araw tayong nagagalit at nanunuyo, namumuhi at nagmamahal.
Minsan, nakakalimutan na nating mabuhay at nasanay na tayong maging bahagi lamang ng isang siklong nabubulok hanggang kamatayan.
At ika'y dumating. At ika'y dumating.
Kumusta ka, hatinggabi? Kay tagal nating hindi nagkita. ###

Monday, 27 August 2018
Paalam, Aming Anghel
Maraming masasayang bagay sa daigdig, Angel Gab. Masarap magmahal, masarap umibig. Kasama din nito ang sakit, mga paglisan at pamamaalam. Ngunit lahat yun ay kasama ng buhay. Ito ang tamis at pait ng mga mortal.
Hindi mo na ito mararanasan ngunit sana'y madama mo ang tamis ng aming pagmamahal lalo na ng mga magulang mo.
Mahal ka namin at lagi kang nasa aming puso. Isama mo ang mga yakap namin sa iyong paglalakbay. Paalam Baby Angel Gab. Mahal ka namin lagi't lagi. ###
Sunday, 24 June 2018
Parbangon
Parbangon.
May hindi sinasabi ang mga dahon.
Sa pagitan ng liwanag at dilim, nakabantay sila sa bawat yapak, bawat hingal, at bawat pagtatangkang huwag mangamba.
Hindi nila sinasabi ang ngalan ng mga nauna, mga nag-iwan ng mumunting bakas.
Hahayaan ka nilang sundan ang mga daang natahak,
mga bundok na hindi mo akalaing may lalim tulad ng dagat,
may lawak tulad ng kalawakan.
Hindi nila sinasabi
na ang mga ngalan ay hindi na muling mabibigkas kailanman ngunit
hindi ito paglimot. Ito ay pagpapatuloy
at pagpapaalala.
May lihim ang mga dahon. ###

Saturday, 16 June 2018
Malungkot ang lungsod
Kasama yata nitong ulan ang lungkot. Maghapon nasa kama ngumit maghapon ding pagod.
Bubuksan ang Instagram at makikita kang masaya na hindi na ako ang kasama. Magdi-deactivate ng Facebook, ng Instagram, etc.
Tanghaling tapat pero nakatambay pa rin sa kama. Titingin sa bintana. Maulap pa rin. Malamig pa rin. Maulan pa rin.
May kasama talagang lungkot itong ulan. Naalala ko bigla yung tulang naisulat ko noon, ganito rin yata ang pakiramdam ko ngayon - "tag-ulan sa aking dibdib at hindi ka kasama."###

Wednesday, 16 May 2018
"If it feels right, all's okay"
Tinanong ko siya matapos ang mahabang intro, "So, anong gusto mo, lalaki o babae?" tanong ko.
Ngumiti siya ng kaunti. 'Yung tipong may sundot sa gilid ng labi na parang alam niyang aabot kami sa usapang ganoon.
Kasama ko siya araw-araw sa opisina. Isa o dalawang taon na yata ngunit madalang kaming mag-usap. Nasa IT department siya, nasa field operations ako. Hindi nagtatagpo ang mga mundo namin at laging nasa pagitan kami ng mga cubicle, steel cabinet, at printers. Ang pinakamahabang usapan namin na naaalala ko ay noong nagpatulong akong mag-install ng Adobe InDesign.
Ako: May installer ka?
Siya: Um, meron yata.
Ako: Pa-install naman...if di ka busy.
Siya: Sige.
Ako: Thanks poooooo. *pabebe*
Laptop: ...
Mesa: ....
Coffeemaker:...
Boss namin: .....
Sa mga ganitong office party lamang kami nagkakausap ng mas matagal at nakakapag-usap ng ng mas personal.
"So, ano nga? Okay lang namang di ka sumagot. Hahaha." pahabol ko.
"Um..." nagkagat labi muna siya bago sumagot at umayos ng pagkakasandal sa poste. Tumingin siya sa mga kasamahan naming nagvivideoke tsaka humithit ng sigarilyo. Tumingin siya sa akin.
"Depende. Hindi ko naman mapipili ang gusto ko. Basta masaya ako, at kung pakiramdam mo tama, wala namang isyu yun. Okay na sa akin kahit sino o ano pa siya."
Hindi ako umaasa ng matinong sagot pero pakiramdam ko ay nasa beauty pageant ako.
"Taray! Pak! Tangina! Ano na pota!" ang sabi ko sa loob-loob ko.
Marami akong follow up questions ngunit ni isa, walang lumabas sa aking bibig. May lamig itong hapon at tila napalibutan kami ng hamog na kanina pa nagbabantay sa aming ulunan. Malawak ang kalawakan, malawak ang Baguio, at pakiramdam ko, ako ang sentro de grabedad ng mundo sa mga oras na ito bago muling bumulong ang katotohanan sa aking kaliwang tenga:
"Huwag kang umasa."
Umalis na siya pabalik sa kumpulan habang hinihithit ko ang huling usok sa aking sigarilyo. ###
*titulo mula kay Puen ng Project S

Subscribe to:
Posts (Atom)