Saturday, 16 June 2018

Malungkot ang lungsod

Kasama yata nitong ulan ang lungkot. Maghapon nasa kama ngumit maghapon ding pagod.

Bubuksan ang Instagram at makikita kang masaya na hindi na ako ang kasama. Magdi-deactivate ng Facebook, ng Instagram, etc.

Tanghaling tapat pero nakatambay pa rin sa kama. Titingin sa bintana. Maulap pa rin. Malamig pa rin. Maulan pa rin.

May kasama talagang lungkot itong ulan. Naalala ko bigla yung tulang naisulat ko noon, ganito rin yata ang pakiramdam ko ngayon - "tag-ulan sa aking dibdib at hindi ka kasama."###

No comments:

Post a Comment