Masikip ito noon para sa ating dalawa. Hindi tayo magkasya kapag sabay tayong bumibili ng kape at sigarilyo sa 7/11. Nag-aalala pa tayo sa maaapakang pusa tuwing madaling-araw kaya’t banayad nating binabagtas ang makipot na eskinita
hanggang sa masaulo nating pareho ang mga bitak at mga nakausling semento
hanggang sa hindi na tayo napapatid at nasanay maglakad nang may pag-iingat.
Masikip ang Vergara Alley. Lumawak na lamang ito noong hindi mo na dinaraanan, noong ibang kalye na ang iyong tinutungo, magkaibang bahay na ang ating inuuwian.
Akala ko’y saulo ko na ang eskinitang ito; masyado pala itong malawak para sa mga nag-iisa.
###
tyempo ang pag balik ko dito sa blogger. may bagong supply nanaman ng kalungkutan :(
ReplyDeleteOi. Malungkot itong mga nakaraang buwan. May saya din sigurong darating. Hehe
DeleteSame comment with mem'ries. Salamat sa dosage ng kalungkutan. Ang buhay ko ngayon ay bland.
ReplyDeleteTag-ulan na nga talaga. Hehe
Deletemay instagram ka ser? :)
ReplyDelete