Wednesday, 28 August 2019

Weathering with You

Ito ang naintindihan niya matapos ang lahat-lahat:

Siya'y nabubuhay sa pagitan ng langit at lupa.
laging nagbabakasali, nagdududa. 

Kasama ng mga estrangherong iniiwan lagi ng alaala 
tuwing nais nilang tumakas sa lupa 
at lumipad tungong langit kung nasaan ang pag-asa. 

Nanalangin siya ng araw sa gitna ng ulan. 
Ibinigay ng langit ang katiting na liwanag ngunit nais niya'y 
tag-araw. 
Nanalangin siya ng mahabang ulan sa gitna ng tag-araw. Dumating ang ambon. 

Siya'y mortal sa ibabaw ng lupa at langit na kailanma'y hindi niya malilipad o masisid. 
Ganoon siyang nabubuhay sa pagitan ng langit at lupa, ulan at araw,
galit at pag-ibig. 

Habang buhay siyang maghahanap, 
mababalisa pagka't hindi laging may araw sa tag-araw o ulan sa tag-ulan. 
Siya'y estrangherong nabubuhay sa mga pagitan.#

________________________________________________________________________

OA pero emotional ako kanina buong pelikula hanggang sa maihi ako bigla nung malapit nang mag-end yung movie. Haha Anyway, ini-imagine ko na kung paano ilalapat yung kanta ng Radwimps sa pelikula katulad ng sa Your Name pero hindi ko pa rin napigilan mapa-shet sa tuwing papasok na ang music. May dalawang parte ng pelikula na napasigaw ang mga tao na walang kinalaman (on a significant manner?) sa movie itself. Hindi ako lubusang naka-move on sa Your Name dahil sa pelikulang ito. Bigyan niyo ako ng resolution. Shet. 

Anyway, ang masasabi ko lang ay familiar ang pakiramdam sa pelikulang ito. Train, crossroads, skyline, sunsets, ulan, spaces. Mas moderno dahil sa Tokyo ginawa ngunit kasing pasabog pa rin ng Your Name pagdating sa paglalapat ng fantasy at myth sa buhay ng mga character. Makulay pa rin siya in terms of setting. Malikot ang cinematography in a nice manner. Favorite yata ni Makoto Shinkai at ng production team yung staccato-montage style ng close up to medium to long shots na pinalamanan ng silences (hindi ko alam ang tamang term, natulog ako sa film class). Siyempre madrama but this is more direct than Your Name na kinuha sa silence, close ups, space, at music rin in a timid manner. Ganito rin naman itong Weathering with You pero mas diretso ng kaunti kaysa sa Your Name. Ang gulo ko rin, no?

All in all, gusto ko itong pelikulang ito lalo na at maulan dito sa Baguio at lahat ay nananaginip ng kaunting araw sa mahaba ngunit masalimuot na tag-ulan. ###

No comments:

Post a Comment