Tuesday, 7 April 2026

lost stars

Isang malalim na buntong-hininga, isang libong tala ang nagsimulang umikot sa kalangitan. 

Naluluha siyang bumulong

"Okay lang yan." 

Pumikit siya na tila nanalangin, nangungusap sa kaharap na karagatan, bumubulong sa hangin 

"Sa susunod na buhay."

Unti-unti siyang humiga sa malamig na buhanginan ng Puerto Galera. Sinusuyo ng alon ang kanyang mga paa. Sinusundo siya tungong dagat ng panaginip, ng kalayaan. 

Sa huling pagkakataon, binuksan niya ang mga matang naluluha, nasisilaban ng ningning ng mga ilaw,

dalawang matang kumikislap na kalawakan.

At hindi na siya muling pumikit. ###

No comments:

Post a Comment