Wednesday, 26 June 2013

Langit

















Iniisip ko,
sana’y tayo’y mga ulap na kailanman ay
hindi mawawala.
Lagi lang tayong nakadungaw sa kalawakan, at hinihintay lagi
itong init ng umaga at lamig ng magdamag.
Hindi nangangamba kung magbago man itong daigdig pagka’t lagi,
lagi tayong naririto sa ating kinaroroonan. Nag-aabang o naghihintay, at tiyak na hindi magmamaliw.
Nakatitig sa isa’t isa. Tahimik man ay siguradong isinasambit lagi sa hangin ang mga katagang
‘minamahal kita.’ Hindi magwawakas sa paglimot. ###  

2 comments: