Thursday, 13 June 2013

Sa Vergara Alley











Tumingala ako sa langit. Umaambon ng kalungkutan.
Binabasa nito paunti-unti ang aking pisngi, pilik-mata, labi at buhok at palad at mga bubong, ang daanan.
Naninilaw ang paligid. Pakupas itong alaala. Katulad noong minsang humingi ako ng sigarilyo sa’yo, dito rin, sa ilalim ng streetlight, may pamamaalam, di tiyak na distansya, di tiyak na muling pagkikita, na laging sumasagi sa aking nalulungkot na isipan.
Napakakipot ng eskinita ng Vergara ngunit lubhang malawak ito para sa aking pag-iisa.###

6 comments:

  1. sino bah nagpapa remind sau sa lugar na to.

    ReplyDelete
  2. Napakakipot ng aking utak ngunit lubhang malawak ito upang maging imbakan ng ating mga alaala.

    Tag-ulan nga naman, oo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. may ipo post dapat ako tungkol sa ulan (ulit) e. hindi ko mahanap. makalkal nga ang filipinowriter website.

      Delete
    2. Kung may isang tao na sobrang makakasakit sa'yo, mga alaala niyo na lamang ba ang babalikan mo? Kahit na alam mong yung sobrang sakit na dinadanas mo kapag nagkakagulo kayo eh burado na naman sa sayang dala niya pag ayos kayo? Hanggang saan ang "tama na"?

      Tanong lang naman. Tinatanong ko kasi yung yosi, ang tanging sabi niya eh, "Ilabas mo nalang sa usok yan."

      Delete
  3. hey! Im A newbie in blogging :) I saw your blog at Blogs ng pinoy :) you really have a nice blog! I really want to learn more and have more readers. please check my humble blog at www.rchardjcob.wordpress.com thanks!! have a nice day :)

    ReplyDelete