Friday, 27 December 2013
Bago matapos ang taon #4
Nakatatakot ang paglimot. Ayaw kong lumimot pero ito lang yata ang kaya kong gawin, ang kaya nating gawin. #
Bago matapos ang taon #3
Ilang beses ko nang isinasadula sa isip ko ang ating muling pagkikita:
Mananahimik ang paligid.
Mag-aantay ng tunog.
Ilang pulgada lang ang pagitan natin.
Malayo ang tingin.Walang hangganan.
Mag-aantay ng tunog.
Ilang pulgada lang ang pagitan natin.
Malayo ang tingin.Walang hangganan.
Lagi akong handa (at hindi handa) sa iyong pagbabalik.
Paano ba? Paano ko sasabihing
ikaw lang naman ang kaya kong isalba sa tuwing ninanakaw ng
pagtanda ang lahat,
na lagi’t lagi ,
may nakalaang kuwarto sa aking gunita para sa iyong ngiti, mukha
na lagi kong binibisita tuwing
nangungulila.
Paano ba? Paano ko sasabihing
ikaw lang naman ang kaya kong isalba sa tuwing ninanakaw ng
pagtanda ang lahat,
na lagi’t lagi ,
may nakalaang kuwarto sa aking gunita para sa iyong ngiti, mukha
na lagi kong binibisita tuwing
nangungulila.
Ganito kaya talaga ang hindi paglimot?
Ilang beses na sigurong sumagi sa iyong isipan
ngunit piniling itapon kasabay ng paglayo, pagsakop
ng distansya?
Ilang beses na sigurong sumagi sa iyong isipan
ngunit piniling itapon kasabay ng paglayo, pagsakop
ng distansya?
Ito lang, patawad, ang kaya kong gawin
tuwing nakikinig sa tunog ng katahimikan:
tuwing nakikinig sa tunog ng katahimikan:
Ang isiping sa ating muling pagkikita, tatanungin mo sa akin,
‘Maaari ba akong bumalik sa aking kuwarto?’
Magsisilipiran ang lahat ng pangamba, makikinig ang Sagada
sa mga salitang naantala sa dila:
sa mga salitang naantala sa dila:
‘Hindi ka naman nawala dito.’
###
Bago matapos ang taon #2
I.
Humahaba ang oras kapag nakatitig ako sa ‘yong mata. Hindi ko sila masisid,
dahil tuwing palalim ako ng palalim, pumapailanlang naman ako tungong liwanag,
Natutuklasan ko lagi ang kaluwalhatian at kalayaan,
na nahati sa dalawa mong mata.
dahil tuwing palalim ako ng palalim, pumapailanlang naman ako tungong liwanag,
Natutuklasan ko lagi ang kaluwalhatian at kalayaan,
na nahati sa dalawa mong mata.
II.
Hindi ko alam kung pagkalunod ba ang nararamdaman ko.
Kay lalim ng iyong pinagmumulan.
Nalulunod ako at hindi ko na mapigilang –
hawakan ang iyong kamay at salatin ang mga peklat, sugat at kalyo,
haplusin ang iyong pisngi at pakiramdaman ang kulubot na inani mo sa digma,
yakapin ka para damhin din ang pagod ng paggawa,
halikan ka nang malasahan ko ang tamis ng ‘yung pakikibaka.
III.
Sa gayung ayos, ngingiti ka at alam ko,
Oras na naman ng pamamaalam,
Inililigtas mo ako lagi sa kamatayan.
Sa gayung ayos, ngingiti ka at alam ko,
Oras na naman ng pamamaalam,
Inililigtas mo ako lagi sa kamatayan.
‘Babalik naman ako.’
Inililigtas mo ako lagi sa sarili kong kalungkutan.
###
Bago matapos ang taon #1
Nagising siya nang may bumangon mula sa kanyang higaan. Wala pa sya sa tamang katinuan nang tumingin siya sa kalangitang kayang ipakita ng bintana. Inaagaw ng liwanag ang dilim,
may lumubog na barko sa gitna ng dagat,
may inang nawalan ng anak,
may pusang nasagasaan sa kalye, may musikang papahina ang tunog,
may mangingibig na handang ialay ang buong kalawakan
may inang nawalan ng anak,
may pusang nasagasaan sa kalye, may musikang papahina ang tunog,
may mangingibig na handang ialay ang buong kalawakan
ngunit huli na ang lahat.
Hinaplos nya ang katahimikan sa kanyang tabi. Pinakiramdaman ito. Iniwan nya ang kama. Pinahiran ang namuong tubig sa mata.
Tinitigan ang sarili. Tumitig ang tokador, ang salamin. May pakiusap ang umaga. Maliwanag na’t madilim pa rin sa kanyang kuwarto. ###
Thursday, 26 December 2013
Lunch Break
Gusto niyang imbentuhin ang bagong sarili.
Pipili siya ng mga salita, ng mga kulay. Tumitig sya sa salamin. Kaunting taas, kaunting lapad. Kaunting lalim.
Inihaplos sa buhok ang langis na niluto noong Biyernes Santo. Pumikit. Sumamba siya sa demonyo (patay si Jesus noong Biyernes).
Mas maitim sa gabi ang mga mata niya. Mas matalim ang mukha kaysa kay Naruto.
Nagtatawanan ang mga tao sa labas ng silid. Ala una na. Ngunit sa kanyang mundo, kanina natapos ang araw at mahaba na masyado ang gabi.
Naalala niya ang amoy ng sinangag kaninang umaga na niluto ng kapit-bahay niya. Gusto niya bigla ng longganisa.
Lumabas siya ng silid. Dinala ang walis at trash bin.
“Kuya, pakilinis naman 'tong area ko” sabi ng unang babaeng nakita niya.
Tumunog ang kumakalam niyang sikmura.
###
Wednesday, 18 December 2013
Lusaw
Isang malungkot na kanta ang pagkalusaw ng usok sa mga espasyo.
Nagbubunsod ito ng emosyon, parang kantang theme song ng isang trahedya, ng isang kwentong (madalas o) pilit na kinakalimutan. Minsan buo, makapal o di kaya’y manipis.
Hinahayaang tumungo’t lusawin ng espasyo o di kaya’y hinahawi na parang lamok.
Ganito yata ang katahimikan kapag napupuno na lamang ito ng hithit-bugang palitan ng mga salitang isinilid sa mga usok upang maglaho ng tuluyan, at pagsisisihang hindi nasabi ni minsan.
Ganito tayo nalulusaw tungong kawalan. ###
Subscribe to:
Posts (Atom)