Sunday 21 July 2013

Ang pagpaparaya ayon sa Up Dharma Down

Pinag-isipan kong mabuti kung sasabihin ko ba sa iyo na gustong-gusto kita. Hindi ko alam kung kailan eksaktong nagsimula ito. Kahapon habang nakahiga lang ako sa dalampasigan, habang ipinapanalangin sa mga diyosa ng alon at buhangin na sana sa La Union na lang ako lagi nakatira, naisip ko na dapat pagkabalik ng Baguio ay mayroon na akong desisyon.

Pasensya na at ang babaw nitong pinag-iisipan ko. Sasabihin ko lang naman na gusto kita, wala namang na dapat kaso iyon. Sasabihin ko lang 'yung nararamdaman ko tapos okey na siguro.

Pero alam naman nating hindi lang iyon ang gusto ko. Gusto ko siyempre may sagot ka. Gusto ko siyempre na maging tayo. 


At alam kong hindi mangyayari 'yun.

Kaya, siguro, hahayaan ko na lang munang lumipas itong nararamdaman ko at sigurado naman akong mawawala rin ito. Sa mga susunod na buwan baka okey na rin ako. Sa ngayon, ayaw ko munang makita ka o makasama. Marami akong naaalala tungkol sa atin at hindi ko alam kung ako lang ba ang nagbigay ng malisya sa lahat ng iyon, at inisip na baka may gusto ka rin sa akin. Torpe lang talaga ako minsan. Hindi ko na yata malalaman kung ano ang nararamdaman mo para sa akin. 



Ang iyong mangingibig, E. 


###



7 comments:

  1. Hindi ka makakamove on. Haha. Base yan sa karanasan :P

    ReplyDelete
  2. PS: Ngayon ko lang nafigure kung paano magreply sa blog posts mo. Hindi kasi siya madaling hanapin. Haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha mahaba pa naman yata ang 2013 para magdrama sa mga ganitong bagay. Yay! :)

      Delete
  3. Solve na ko sa dose ng emoness na nabasa ko tonight. Ipagpapatuloy ko ang backreading sa ibang araw. Hanggang sa muli Space. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naalala ko lang noong nag backread ako mula F-Z and all the in betweens sa blog mo. Hindi yata ako natulog natulog. Ang hard eh!

      Anyway, hindi pa rin ako naka move on kay A.

      Delete
    2. Hard ang alin? *hahaha*

      Andami mong boys ha. May A, may K... At meron pa yatang M? Kinokompleto mo ba lahat ng letters? :P

      Anyway, hardcore hirap talaga when the person you love can't/won't love you back. :(

      Delete
    3. Hahaha iko-complete ko parang ikaw. Pero na-stuck ako sa A at K. Hahahaha

      Delete