Naririnig niya ang kalampag ng takip ng kaldero. Kailangan
na niyang maligo’t kanina pa nasasayang ang gas sa kanina pang kumukulong
kaldero ng tubig.
Kakamutin niya ang ulo, at titingin sa bintana. Pipikit
saglit tsaka hihilahin ang katawan. Ilang beses na syang nagigising ng alas-kuwatro
ng madaling-araw, magpapakulo ng tubig panligo, matutulog at magigising ng
alas-sais.
Titingin sa kesame. Inalis ang muta. Pagkahila ng kumot,
nahulog sa sahig ang libro ng mga tula ni Pablo Neruda.
Paminsan-minsan may dumadalaw na kalungkutan sa kanyang
pagtulog. At mamaya siguradong mapait na naman ang kapeng kanyang hihigupin.
Tumingin ulit sya sa bintana. Napansin niyang maulap lagi ang
umaga simula noong gumigising na siyang mag-isa. ###
.....parang may malalim na balon na hinukay sa dibdib ko.
ReplyDeleteAll of a sudden, na miss ko ang sex.
Oo nga pala. Virgin pa pala ako. hahahaha!
ReplyDeleteHAHAHA! San ka virgin ser? Joke lang.
DeleteItong paggising sa maulap na umaga ay pangkaraniwang lungkot lamang. Ibang usapin 'yung sex deprivation (lahat yata tayo? joke lang).
At iba rin yung tuluyang kang hiniwalayan ngunit hindi ka nasasanay, araw-araw.
Pablo Neruda. Ang sarap pang-agahan ng mga tula niya, maliban na lamang kung ayaw mong simulan ang araw mo na solemn ang peg.
ReplyDeleteAt oo, nagsimula ngang maging maulap ang langit nang napansin ko ding di na ako magigising katabi niya.
Charot.
Matagal ko nang hindi nababasa si Neruda. Hehe
DeleteNaalala ko lang siya at naisulat. Para rin kasi siyang sugat, mahapdi kapag nadadampi, parang kalungkutan.
Malalim at may pinagdadaanan , hindi k nag iisa noh tse! Haha
ReplyDeleteHahahaha ikaw rin ser! :b
Delete