'Bagyo-bagyo' mula sa album na 'Panahon'
Bagyo-bagyo anurin mo ang dungis ng katilingban,
sa bayan tila nagmamaliw.
Bawiin ang uhaw ng mga tigang na damdamin.
Hugasan ang poot ng mga pusong nangingitim.
Bagyo-bagyo ikalat mo ang kwento ng pagibig,
ang tula na di na madinig.
Isipol ang awit kasabay ng iyong pagdilig
sa lupang kay tagal na naghihintay sa pagsapit ng tag ulan.
Bagyo-bagyo sabihin mo
kailan nga ba darating
ang pagsikat ng araw ng simula,
sariwang hangin na mapayapa.
Bagyo-bagyo wasakin mo pagkakahati-hati
ng mga tao sa bayan ko.
Ibuhos ang galit at baka sakaling mayanig
ang kawalang damdamin ng mayroon narinig.
Kaya pala di lumalabas sa dashboard updates mo di pa kita nafa-follow ;p
ReplyDeleteAha! Salamat!
Delete