May ipinapaala sa akin itong bagyo’t ulan.
Kahapon, rumaragasa sa labas ng opisina ang tubig-ulan. Mabuti na lang at hindi katulad ng Maynila dito na binabaha kaunting kembot lang ng ulan.
Wala akong payong. Wala akong kapote. At walang balak
tumila itong ulan.
Nakatitig lang ako sa daan (highway tapat ng opisina) habang ang ibang katrabaho ko’y paalis na at pauwi. Naisip kong magkape sana muna sa labas, pampainit bago umuwi ng boarding house pero wala nga akong payong.
“Magdala ka kasi ng payong” sabi ng isang katrabaho ko na noong una’y nagtatanong kung makikisabay akong papuntang SM. Tumanggi ako at ngumiti.
Matagal ko nang hindi naririnig ang ganoong paalala. Kinalkal ko ang bag ko para mahanap ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mama.
Mang, kumusta kayo ditan?*

###
*(Ilocano) Mang, kumusta na kayo diyan?
uy..namiss si mudrakels...haha...
ReplyDeleteevery weekend tuwing uuwi ako, hindi ko kinakalimutang yakapin si mama at sabihin kung gano ko kamiss ang bahay at ang luto nya...
as for the payong, hindi rin ako nagdadala ng payong :/ goodluck satin..haha
Totoo. Malapit na daw yung baha sa bahay :(
Deleteguess still needs to read more of your posts
ReplyDelete:)
DeleteHindi rin ako nagdadala ng payong! Naiwawala ko kasi eh hahaha.
ReplyDeleteBigla ko ding na miss nanay ko at mga luto nya! hayyy gusto ko ng umuwi!
Tubuan sana ng mga paa sa mukha ang mga nagnanakaw ng payong lalo na sa coffee shops! hehe
Delete