First year college ako noong isinulat ko ito para sa Freshie Poetry Jam.
***
Makitid ang kama sa iyong kuwarto
Subalit
nagawa mong palawakin ang aking mundo.
Hindi na ako
naghanap ng iba pang init
Bukod sa
dulot ng mga yakap mo.
Kape natin sa
maalinsangang gabi ang mga halik
At ang bawat
salitang binibigkas ay pangarap,
Habang
sinusubukan nating malaman
Kung tunay ba
ang nararamdaman
O sadyang
pagkalito lamang.
Ganun ang init
lamig sa kuwarto mo.
Madilim,
masikip, makitid
Subalit
pinili kong yakapin ito.
Pinilit kong
isiping kasama rin ako sa paglalakbay
Ng mga
ningning sa iyong mata—
--habang nasa piling kita.
Pinilit kong
talikuran ang ako,
At palayain
ang isa pang katauhan ko—
na nakatago sa iyo.
masarap
damhing may karamay ako sa pagkabigo
at pagsasaya
subalit
paggising kinaumagahan,
tanging kumot
at unan na lamang
ang aking
hagkan. ###
Agosto 2005
Pinakagusto ko yung unang stanza. :)
ReplyDeleteKung hindi ako nagkakamali, pelikula ni assunta de rossi ang inspirasyon ko dito. Naalala ko lang. Hehe salamat!
DeleteSaklap ser.
ReplyDeleteMukang freshman ka pa lang may katabi na sa kama ah. Lol. Peace pre!
Meron pero nothing sexual pa nun. Wish ko lang. Joke leng. Haha
DeleteAng hapdi naman ng ending! One of your emo post, magaling pa rin! Walang kupas!
ReplyDeleteOi salamat ser!
Delete(sigh) Ang sariwang pag-ibig ng kabataan.
ReplyDeleteSabi nga nila, to feel young love's sting.
Deleteawwts..... ang hirap mag-let go.. naalala ko lang...
ReplyDeleteOi may naaalala si mam hehe
DeletePa copy isha shoutout ko hihi
ReplyDeleteNo problemo ser!
Delete"Makitid ang kama sa iyong kuwarto
ReplyDeleteSubalit nagawa mong palawakin ang aking mundo." - dito pa lang nakuha mo na ako.
galing!
Salamat :)
Delete