Tumabi siya sa akin.
'Wala naman akong gagawin ngayong gabi' sabi niya sa kausap niya sa telepono.
Hinawakan ko ang bag ko. Maraming bagay ang nawawala't nananakaw sa mga terminal.
Tinignan ko siya. Mula sa itim na sapatos hanggang sa kanyang buhok. Nakaramdam yata siya't tumingin din sa akin, sa mata. Humithit ako ng yosi sabay iwas ng tingin. Alam kong nakapako pa rin sa akin ang mga mata niya.
Inilabas ko ang usok sa aking dibdib. Marami ang nalulunod sa mga bagay na ikinukulong sa dibdib katulad ng lason ng usok.
Tinignan ko ulit siya. Ngumiti siya.
Tumingin sa mga sasakyang dumadaan, at umaalis na mga pasahero. Tumingin ulit ako sa kanya.
Maraming bagay ang naliligaw sa mga terminal at kanya-kanya tayo ng paraan para mahanap ang daang patutunguhan.
Hindi yata ako nag-iisa. ###
Kanina sa NAIA Terminal 3 habang nagpapahinga at nag-iisip kung saan ako titira ngayong gabi.
Saan ang punta ser?
ReplyDeleteKakalapag ng maynila ser from aklan :)
DeleteNgayon na ba ang Visayas trip mo? :)
ReplyDeleteBalik Maynila after Bora. Stay muna dito ng Sunday then Monday lipad to Tacloban.
DeleteEnjoy lang Space. Next time isama mo ko. Ingats! :D
DeleteSalamat hehe
DeleteTravel blogger n ang peg , dito k nlng nagstay sa bahay
ReplyDeleteHehe thanks ser. okey naman. Next time! Nyahahah
Deletewow...more more fly, more fun...
ReplyDeletedapat, kinantahan mo kagad sya ng...... 'sharing the night together'... hahaha...
Naisip ko nga e 'we found love in a hopeless place' hahahhaa (love agad?)
Deletehope you had a good and safe trip :)
ReplyDeleteSafe naman ser. Pauwi na! Hehe salamat!
DeleteNakakatuwa naman mag basa ng mga ganitong blog. Proudly Pinoy! Magaling na makata :)
ReplyDeleteSalamat Ms. Giz Elle :))
Delete