Ganito ang katahimikan sa loob ng aking kuwarto:
May telebisyong hinahalo ang sarili sa kulay at liwanag. May bukas na bintanang naghihintay sa pagdampi ng hangin. Hindi na sumasayaw ang kurtina. Hindi na umuungol ang mga pusa sa kalsada.
Sa papel, sa aking mesa, isinusulat ng katahimikan ang kawalan ng salita. Hindi na matutulugan ang kalahati ng kama.
Sa kabilang panig ng mundo, may isinarang kabanata sa isang kuwento ng pag-ibig.
###
(repost) 05302012
Aw. Bigla akong nalungkot. May naalala.
ReplyDeleteAy may pinagdaanan
Deletemapapa "aaaww" na sana ako bigla kong nakita yung repost. hehe
ReplyDeleteLalim ah
Pinagdadaanan pa rin naman yan ser. Charot!
DeleteSpace, maikli man to, pero ang galing mong sumulat. Nakakamangha. Seryoso.
ReplyDeleteNasasanay na ako sa space hehe. Salamat ser geosef! Nakakataba ng puso lalo na at galing sa'yo na isang matalino't mahusay gumamit ng mga salita.
DeleteTingin ko nga mas magaling ka magsulat kesa sa akin. No joke. :)
DeleteAha! Salamat. Natututo ako sa bloggers katulad mo! seriously kapag tinatanong ako kung sino ang gusto ko writer, mostly ay mga bloggers :)
Deletesa kinalalagakan mo, may paparating na bagong pag-ibig, kung kelan, bahala na si batman...hahaha...tapos yung kalahati ng bed, keep it always ready for occupancy...wahahahaha
ReplyDeleteNoon optimistic ako sa maraming bagay katulad ng pag-ibig. Natutunan ko ma yata na huwag umasa. Sabi nga nila, 'huwag hanapin at darating din.' Salamat sa laging pagbisita!
DeleteDito ba sa panig na ito ang tinutukoy mo? Dahil tumigil na ang pluma sa kabanata ng aking kwento ng aking pag-ibig. Hahaha! Chos!
ReplyDeleteNakakahumaling naman ang pagsulat mo. Grabe. It digs so deep inside me. hahaha! This afternoon naglalakad ako nang napatigil ako sa isang travel bookstore at nakita ko isang travel guide tungkol sa isang province dito sa Italy, Cinque Terre, the Gulf of Poets. Ikaw agad ang naisip ko. Perfect abode for you to weave wonderful verses.
Wala lang, Nagpromote lang ng tourism para sa Italy, hehehe!
Mukhang interesting ang lugar na iyan. Lemme check that! Hehe May pinagdaanan ka ser? Mas masarap isulat yan hehe salamat salamat ulit!
Delete