Saturday, 28 September 2013

Note I

Pumasok si Joseph nang may bigat sa paglalakad. Kaunti lang ang nabago sa boarding house na ito ngunit sa kanya, parang isang siglo ang dumaan. Bawal na magyosi, bawal na ang bisita.
Una’y sumilip siya, at tuluyang tinulak ang pintuan na ‘sing bigat ng kung anong naganap sa silid na iyon.
***
Nabubuhay siya sa nakaraan (ng ganun katagal). Patuloy na nakikidigma ang kanyang puso. Tapos na ang laban, naisugal na ang lahat ng pwedeng itaya.
Sumuko na ang kanyang kalaban habang siya, naiwang nagmamahal sa mga bagay na lumipas (katulad ng kuwartong ito). ###
*mula ulit sa lumang blog

10 comments:

  1. Nasan na yang lumang blog na yan? Haha. Ang ganda ng mga sulat mo. Seryoso.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nahihiya pa ako ng kaunti! Haha salamat ser!

      Delete
  2. Moving on, though rewarding, is never easy.

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. Ms. Lalah, I live with metaphors and overuse them many times.

      Delete
  4. anong petsa ang tamang pag-move on? hahaha.. minsan, when i see things that remind of the past, napapaisip din ako, kung talagang naka-move on na ko, or nasasanay lang din talga ko na wala na ang mga dating nakasanayan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala yatang saktong indicator ang pagmu move on. Hindi ito namamalayan.

      Delete