Kung anu-ano nang ritwal ang ginawa namin para mawala ang amoy - maglagay ng suka galing Ilocos, magsindi ng malalaking scented candles, etc. At napagtanto namin na ang tanging solusyon ay ang umalis ng opisina.
Hindi ko alam pero habang nag-iingay sila, nakararamdam ako ng inis at iritasyon. Sa totoo lang, ilang linggo na yatang ganito. At ngayon ko lang yata talaga na-realize kung bakit ako naiirita sa bagong ka-opisina, sa tahimik naming ka-opisina, at sa mga maiingay naming ka-opisina.
Kaninang lunch, nagpaalam ako na magbabayad ng bills sa SM pero sa totoo lang gusto ko lang mag-isa. Ganito 'yung pakiramdam noong malaman kong nilalandi ng kaibigan ko 'yung dati kong ka-MU (napaka-Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng term na to). 'Yung tipong pupunta ako ng bar tapos iinom ng isang vodka tonic o beer, o yung magkakape sa isang tahimik na coffee shop at kunwari magsusulat.
Ang totoo, hindi na ako ang sentro ng mga kwentuhan. Hindi na ako laging pinapansin ng mga tao. Hindi na ako ang pinakabata sa opisina. Hindi na ako ang bunso ng mga tao at may mga bago nang bata na pinagkakatuwaan at binibigyan nila ng atensyon.

Ang totoo, gusto ko sa akin lang ang atensyon ng lahat ng tao.
Kaya, alas singko na. Pero hindi ako pupunta sa Rumours Bar at iinom ng beer, o tatambay sa Ionic at oorder ng kape, dalawang tasa, at pagmamasdan ang Session Road na parang may bago lagi.
Ngayon, tatahimik muna ako dito sa aking desk, mag-iisip kung anong pwedeng gawin bukas habang nagpapaalam na ang lahat ng tao.
Kinuha ko ang tumbler ko na regalo sa akin ng boss ko, pinuno ito ng mainit na tubig tsaka nilagyan ng Kopiko black.
Magpapanggap kunwari na may tinatapos pang trabaho kahit wala naman. Ang gusto ko lang ay saglit na katahimikan.
Binalikan ko ang lahat ng bagay, ang lahat ng kaganapan, at kung ano ba ang tingin ng mga tao sa akin.
Ngayon, oras ko naman. Kailangan ko munang mag-ipon ng katahimikan para sa sarili ko. Pakiramdam ko, gasgas na yata ako. O di kaya'y nangungulila sa isang bagay na hindi ko masabi kung ano talaga. Hindi naman ito pag-ibig. Hindi naman ito alak.
Mamaya, pagkauwi ko, baka pagkahiga ko sa kama, pagkatitig sa kesame, maalala ko kung anong gusto at hinahanap ko sa buhay. Para bukas, hindi ko na sinasaksak at minumura sa isip ang mga ka-opisina kong wala namang kinalaman sa personal kong mga kontradiksyon sa buhay.
Ang gulo ng isip ko. Makahigop muna ng kape.

###
May mga araw na ganyan, marami kang tanong tungkol sa iyong sarili, hinahanap mo kung saan ka nga ba lalagi. Tama ang ginawa mo, sa katahimikan, mahahanap mo ang sagot, reflection and meditation inga nga. Sa aking pag-iisa, nagtatanim ako, duon ako ay nakakalimot at gumigising sa katotohanan. God bless!
ReplyDeleteHahay! Tama! :)
ReplyDeleteMahalin mo ang ingay, baka sakaling doon mo matagpuan ang katahimikang inaasam mo.
ReplyDeleteNaks. Pa-deep lang Space. Wag ka kasi attention whore. :P
Star com po ako. ADHD potential!
Delete