Ang lahat ay tumanaw sa bintana.
Naghahanap ng mapagpupukulan
ng kaba,
may pagtatampo,
may pagyayamot,
may pangungulila.
Katulad din ng rumaragasang
tubig
mula bubungan
tungo sa kalsada,
nagbabalik ang mga gunitang itinago ng
pagmamadali at pag-aabala.
nagbabalik ang mga gunitang itinago ng
pagmamadali at pag-aabala.
Ang lahat ay tumigil at nagmasid. Tinakpan ng dilim ang langit.
###
Buti pa jan sa Baguio umulan.. Naku dito, sobra inet. Naghihintay din kami ng ulan.
ReplyDeleteActually, last week puro ulan, Ngayon, maulap lang. Pero mainit pa rin (pero sa baba malamig na yung ganitong panahon). Darating din ulan, wag kang mag alala. Hehe
DeleteMahilig ka sa ulan ano? Pangalawang post mo na to tungkol dito. At gaya nung una, maganda ulit ang pagkakahayag mo ng damdamin mo ukol sa ulan.
ReplyDeleteNakatira ka pala sa Baguio, Space?
Based ako sa Baguio ngayon. At oo, paborito ko ang ulan. Haha
Delete