Sa Natonin, ang kabundukan ay dagat.
Ang mga dausdos ay alon na lumulukso patungo
sa iyong paanan.
Ang mga dausdos ay alon na lumulukso patungo
sa iyong paanan.
Natatanaw kita sa mga payew na humahati
sa dibdib na kaluntian
na siyang binabagtas rin ng iyong mga paa
ang kurba
ang linya
ang hiwaga
ang payew
ang kabundukan.
sa dibdib na kaluntian
na siyang binabagtas rin ng iyong mga paa
ang kurba
ang linya
ang hiwaga
ang payew
ang kabundukan.
Sa Natonin, ang ulan ay pangangamusta
itinatangay ang mapulang kulay ng mga idinurang momma,
sa pintuan na pinagpapanaugan ng mga bumabalik,
sa sulok-sulok na tagpuan
ng mga naghihintay
at naghahanap.
itinatangay ang mapulang kulay ng mga idinurang momma,
sa pintuan na pinagpapanaugan ng mga bumabalik,
sa sulok-sulok na tagpuan
ng mga naghihintay
at naghahanap.
Sa Natonin, ang gabi ay mahabang biyahe
patungo sa iyo
patungo sa pusod
ng katahimikan,
o mga gabing para sana sa mahimbing na tulog,
at mahabang panaginip,
mga sandaling hinuhuli kita
sa aking isipan.
patungo sa iyo
patungo sa pusod
ng katahimikan,
o mga gabing para sana sa mahimbing na tulog,
at mahabang panaginip,
mga sandaling hinuhuli kita
sa aking isipan.
###
08/10/2009
natuto akong umasa at maghintay,....
ReplyDeleteSiguro nga mas natuto tayo sa mga unconventional na pamamaraan... pero may paraan ba para mag-unlearn ng mga bagay na ganito? .... ang hirap eh :( uncertainty is like a slow death waiting for the big blow to finally end the misery...
Mahilig kasi ang tao sa sugal kahit puso pa 'yan. Charooooot!
Delete