Monday, 11 November 2013

Yolanda

Niyakap niya ang anak na kanina pa umuubo’t natutulog. Malakas na kasi ang ulan at hangin sa labas. Hapon pa lamang ngunit tila tumutulay sa hating gabi ang buong daigdig. 

Alam niyang kailangan nilang lumikas ngunit hindi niya maiwan ang tanging tahanang uuwian ng kanyang asawa na hindi pa umuuwi mula sa trabaho.  

Sa loob ng kanilang barung-barong, maririnig ang dasal niya na siya na ring oyayi sa anak na may sakit. Ito ang kanyang pag-asa. 

“Mawawala rin itong bagyo.”

Ang sabi sa TV kinabukasan, pinulbos ng bagyo ang kalawakan ng Tacloban. ### 

6 comments:

  1. Hopefully the financial help given to us by other countries will be used for its purpose and not fall in the pockets of corruption. My heart until now feels a bit heavy from the recent happenings due to the storm :(

    ReplyDelete
  2. makakayanan din natin bumangon :)

    ReplyDelete
  3. i stopped watching the news before i sleep, reading the news before i go to work.. all i can do is pray and think of ways how to help... it's heartbreaking....

    ReplyDelete
    Replies
    1. same with cher Kat. nakakadurog talaga ng puso ung mga panawagan ng mga tao sa tv :(

      Delete