Saturday, 23 November 2013

Sabado ng Umaga

Iniabot mo sa akin ang isa sa dalawang huling stick ng yosi mo. Ang sabi ko kagabi ay titigil na ako sa pagyoyosi.

Nasisilip na ng araw itong smoking area ng hotel. Nagsisimula nang magsilabasan ang ibang guests patungo sa katapat na highway habang tayo’y nagsisimula pa lamang ang araw mula sa napakahabang gabi ng Biyernes.

“Nalasing ka ba kagabi o nabitin?” tanong mo sa akin.

“Ayos naman. Ayos lang.”

Humithit ako. Ngayon ko na nararamdaman ang antok, alas diyes ng umaga.

“Sasakay ka na ba dito?” tanong mo sabay buga ng usok.

“Oo yata. Ikaw ba?” sagot ko.

“Sa kabila.”

Maaliwalas itong umaga at tila lahat ng naganap kagabi ay parte ng mahaba’t magandang panaginip. Manipis ang ulap. Maganda ang pangitain para sa buong araw ng Sabado. Sana hindi na matapos ito.

“Sige.”

Nauna kang umalis at sumakay ng taxi sa kabilang parte ng highway. Mabilis ang iyong pamamaalam at paglisan.

“Ingat.”

Sa kabila ng sigla ng sikat ng araw, may mumunting kalungkutan itong smoking area kung saan hinihithit ang huling sigarilyo, naibubulalas ang huling mga paalam at habilin. Ikaw. Ikaw ang huling parte ng Biyernes ko na naiwang nakapako sa umaga ng Sabado.###



14 comments:

  1. Isang malalim na buntong-hininga mula sa kaibuturan ng aking baga ang pumakawala matapos kong basahin ang mga huling salita sa iyong isinulat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. whew...my goodness. had a slight nosebleed there. hirap na talaga if you don't speak and write tagalog on a regular basis. LOL.

      Delete
    2. Sinubukan ko lang. At kaya ko pala! *hehe*

      Delete
  2. walang kiss? smooch? beso-beso? lels...

    sino si ikaw? anong meron kay ikaw at hinayaan mong mapako sa umaga? sa puso mo ba, anong lagay nya? hehe
    clap! clap! sa pagtigil sa pagyoyosi... push na yan!

    Ang galing mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nganga. Haha Si 'ikaw' 'yung receiver dapat ng mga love letters kong ibinaon sa blog na ito. Haha

      Delete
  3. aynaku ah.. nakakilig na sana pero nakakainis pa din... torpe is you? y oh y?
    mahirap ba manligaw? or its complicated lang talaga?

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's super complicated. Charot lang. Torpe lang talaga ako poreber.

      Delete
    2. may future ka jan sa pagiging torpe! hahaha....

      Delete
    3. May award na ako for so many years - pag-iisa! haha

      Delete
  4. i sense something on this post na kahit hindi ko na itanong eh may ibang flavor sayo.... I believe nakarelate ka sa isa sa mga entry ko kaya ka nag comment (nag assume lang ako hehe)

    nwiez thanks for dropping by sa page ko...

    ReplyDelete
  5. haha. hanep, lalim mo pre. watever happened on Friday night, treasure it, it might not happen again. haha. charot lang. galing mo magsulat. i think you should pursue writing or any creative art. Go.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto ko ring i-pursue si Friday night person at ang writing :))

      Delete