Thursday, 6 February 2014

Ang iyong pangalan,

Naiguhit ko na ang lahat konstelasyon sa kisame. Hindi pa natatapos ang ulan. Hindi pa nagpaparamdam ang mga panaginip.
Pumapasok na ang lamig. Anong pangamba? Anong pananahimik?  
Haharap sa kaliwa. Magdarasal. Mangungumpisal. Babaluktot. Naninigas na ang mga paa ko. Maikli lagi ang kumot sa tuwing iniisip kita, kapag hindi matapos-tapos ang magdamag at ang tag-ulan.### 030512

6 comments:

  1. Wag mong isipin yun di ka nun mahal :P lagyan ng extension ang kumot, kapag umiksi ba din habang iniisip mo sya, paki-check baka may mumu sa ilalim ng bed. Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinagagaan mo lagi ang mga bagay-bagay Yccos! Hehe

      Delete
  2. Na-realize ko lang ito lately, nung muli akong sumakay ng LRT 1. Gustong-gusto ko sumasakay dito dahil dun sa mga munting tula at panulat na nakapaskil sa itaas na bahagi ng mga dingding. At kaya marahil manghang-mangha ako sa mga entries mo, Space, ay dahil katulad nito yung mga nandoon sa tren; as in, parang ikaw mismo ang nagsulat ng lahat ng naroroon. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto kong gawin 'yun. May mga kaibigan akong ginagawa 'yun. 'Yung group nila ay Pedantric Pedestrians (facebook).

      Delete
  3. pero bumabalik ang tag-init.. may pagasa :)

    ReplyDelete