Sunday, 9 February 2014

Virgo

Paanong magsasalubong itong ating mga bituin?
Paano nila itinali at ibinuhol ang ating mga kapalaran
(o tadhana) sa mga tala?


### 042511

6 comments:

  1. Nagwakas sa trahedya? Dahil hindi sapat ang liwanag ng mga tala para ituro ang tamang daan patungo sa kaligayahan...
    Choz!
    /

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maaaring ganoon Yccos! O talagang wala nang epekto ang kinang ng mga bituin kapag gabi at ordinaryo na lamang ang lahat. Hindi katulad ng mga dati, akala mo espesyal ang bawat tala. Ang dami kong alam. Haha

      Delete
  2. *Seryoso mode*

    Ewk,

    Masaya akong nakikitang madaming tao ang pailan-ilang napadpad dito sa iyong lungga at nadiskubre ang mahikang inihahabi mo sa iyong mga salita. Totoong natutuwa ako dahil ito ay isa sa mga bagay (o blog) na dapat ay talagang ipinamamahagi sa iba ---- sa isang makasariling dahilan -----

    Dahil di ko kayang pakiramdam kong ako lang ang nagdadala ng bigat ng emosyon sa iyong mga ipinapaskil. Kapag pinilit ko'y, sa sitwasyon ko ngayon, mas lalo ko pang ikababagsak at ikakawarak.

    Buti na lamang at hati-hati sa aming lahat ang iyong ibinabahagi.

    Teka, kakarampot man ay nalulunod pa din ako. Malamang sila din.

    Still, bago ko itinipa ang url mo ngayong umaga, inihanda ko muna ang isang tasa ng kape at nagsindi ng isang yosi. Eto, pagkatapos ng may 8 entries (mula sa huli kong nabasa), naiiyak na naman ako; nanatiling upos ang yosi dahil hindi ko nahawakan, lumamig ang kape dahil di kaya ng mga kamay kong iangat ang tasa.

    Ansaket mo sa puso, leche. Lalo na ngayong Linggo ng mga Punyetang Puso, ansaket mo sa bangs.

    Siguro nga, may pagkakatulad ang lahat, may isang nagbubuklod sa kahit sinumang nasa kung saan man ---

    Kalungkutan at kabiguan.

    Maraming salamat muli. Dahil sayo'y sasakit ang puso ko, di lang ngayong araw kundi hanggang sumapit ang Biyernes.

    Di mo binigo ang ibinulong kong, "Tangina, makapagbasa nga kay Ewk para mabasag na naman ang pagkatao ko" kanina.

    Humahanga,

    Essa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Essa:

      HOHEMGEE. Ikaw lang yata ang nakakikilala sa akin dito ng personal (I mean, at least yung totoong hitsura ko? haha). At siyempre ang pinakamatandang blogger na kilala ko mula pa wordpress days ko na pa 2010 yata.

      Para sa iyo talaga ang blog na ito. Charooot. Pero seriously salamat kasi dahil sa iyo (sa wordpress pa dati) ay sumipag akong maghanap ng bagong daigdig at makakilala ng mga tulad mong sawing-sawi, joke, makakilala ng taong mayroon akong similarities.

      Sana magkita tayo minsan sa Cubao Ex at magkuwentuhan personally nang hindi na lamang facebook at blogger ang nagdudugtong sa ating magkalayo pero magkaparehong mundo. Salamat ulit sa lahat!

      Delete
    2. Since the day, I discovered this tiny world of Space existed, I kept coming back.
      Nakakakiliti ng utak ang kanyang mga panulat. Antaba ng utak!

      Delete
    3. Napansin mo bang andrama nating dalawa?

      ISTAFET! :)))) Hahaha, last na pagdadrama ko na sayo yan, punyemas! Mumurahin na lang kita sa susunod pag sinasampal ako ng mga posts mo, hahahaha.

      Delete