Tuesday, 11 February 2014

Paglipad/ Paglisan

Hinihintay kong bumaba mula sa kisame ang mga kamay na magbubukas sa dibdib ko. Kanina pa ako nakatitig. Dumikit na ang balat ko sa kumot at sa kobre kama.
Walang puwang ang tunog sa loob ng kuwarto ko. Ngunit ang bawat tibok ng puso ko ay parang sugat na nais ko nang kamutin, bungkalin hanggang sa dumugo
nang dumugo
nang dumugo.
Pinamugaran na ng ipis ang tasang kinalimutan ng kapeng kanyang tangan-tangan. Dumaan ang paglimot. Dumaan
ang paglimot.
Sa sahig, nagdurugo ang cellphone na kanina pa naghihintay ng tawag at text. At sa labas ng bintana, sa himpapawid, naroroon kasama ng mga ulap ang magagandang bagay na mayroon ang daigdig. ### 111411

2 comments:

  1. ang lalim dude. =.= saan mo to hinugot?

    ReplyDelete
  2. Bakit parang si Sadako turned Aswang na nagsspiderwalk ang naimagine ko habang binabasa ko to.... Amaskerd..

    ReplyDelete