Thursday, 13 February 2014

Mga Itinago

Nararamdaman ko pa rin ang lahat ng tungkol sa iyo kapag nag-iisa na akong lumulutang sa alapaap. 

Paano ko kaya itatangging naalala kita? Paano ko ba sasanayin ang sarili kong hindi ka na nayayakap tuwing gugustuhin ko, o 'di kaya'y ayaing samahan akong magkape tuwing alas-sais ng hapon?


Paano ko nga ba sisimulang ituro sa sarili ko na ikaw at ako ay magkabilang dulo na ng pisi, ng sinulid, ng linya, ng lahat-lahat ng kasalungatan sa mundo?


Hindi ko na sana sinayang ang mga pagkakataong puwedeng-puwede kong hawakan ang iyong kamay, tapos ngingiti, tapos magsisindi ng sigarilyo kahit na sabihin mo pang ilang beses ka nang tumigil. Parang ganoon ang sa akin - ilang beses na pagsukom ilang beses na pagbabalik. 


Sigurado na ako. May tono ng pagdedesisyong sigurado ang mga salita mo. May tono ng pagwawakas na parang tuldok sa huli ng isang pangungusap, ng isang talata. 


Sana sinamahan kitang panuorin ang bukang-liwayway sa Besao noong na iyon (na tayo'y nasa Sagada). Marahil, naranasan ko pang hawakan ang kamay mo habang kinukumusta tayo ng mundo sa huling pagkakataon. 


Sa ating dalawa, ako ang mas nawalan. At ngayong umagang inaalala ko ang panaginip ng magdamag, alam kong hindi na ako muling sasagi pa sa iyong isipan. Ito ang paglimot mo sa akin at sa lahat.


At ngayon, ikaw at ako, magkalayong lumulutang sa magkabilang dulo ng kalawakan. ### 090910


Happy Valentines Day everyone! Pasensya na sa drama. :))  


15 comments:

  1. tadhana parin ang bahala. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi ng kanta, "Ang bagyo ng tadhana ay dinadala ako sa init ng bisig mo." Nasaan na yang mga bisig na yan. Haha

      (tama ba yung naalala kong lyrics?)

      Delete
  2. Ang sad :( #ramdam ko....
    Lalo na pag narealize mo na ikaw yung mas nawalan. #hebigat
    Kainis! More more reminisce din tuloy ako ng break up moments ko.. Bwahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Repost to actually. Gusto kong malungkot ngayon eh. #laslas Charoooot.

      Delete
    2. Gusto ko yung #laslas part, natawa ako dun ah :))

      Delete
  3. Happy Valentines Space! Aylabyu! Ayan huh, nasabi ko na. For today lang naman. *hihihi*

    Basta galing sayo ang drama, walang kaso. :D

    P.S. Yccos, naunahan na kita! LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aha! Salamat! Happy V-day! Masaya ba puso mo?

      Delete
    2. Masaya ako dahil sayo. *hihihi* Pagbigyan mo na ko. :)

      Delete
    3. Hahaha... Yaan mo na sepsep, alam ko namang ikaw ang nauna :P

      Delete
  4. @#*$%*^*^@*&*$*^^*& ng blog 'tong talaga, oo. The world is so cruel! :))

    ReplyDelete
  5. haaay o kay lungkot. isipin mo nalang ang mga mabubuting alaala at tanggapin na may mga bagay na kailangang magtapos...
    ika nga ng bespren ko "every breakup leads you one step closer to the right person"

    :)

    ReplyDelete