Friday, 27 December 2013
Bago matapos ang taon #4
Nakatatakot ang paglimot. Ayaw kong lumimot pero ito lang yata ang kaya kong gawin, ang kaya nating gawin. #
Bago matapos ang taon #3
Ilang beses ko nang isinasadula sa isip ko ang ating muling pagkikita:
Mananahimik ang paligid.
Mag-aantay ng tunog.
Ilang pulgada lang ang pagitan natin.
Malayo ang tingin.Walang hangganan.
Mag-aantay ng tunog.
Ilang pulgada lang ang pagitan natin.
Malayo ang tingin.Walang hangganan.
Lagi akong handa (at hindi handa) sa iyong pagbabalik.
Paano ba? Paano ko sasabihing
ikaw lang naman ang kaya kong isalba sa tuwing ninanakaw ng
pagtanda ang lahat,
na lagi’t lagi ,
may nakalaang kuwarto sa aking gunita para sa iyong ngiti, mukha
na lagi kong binibisita tuwing
nangungulila.
Paano ba? Paano ko sasabihing
ikaw lang naman ang kaya kong isalba sa tuwing ninanakaw ng
pagtanda ang lahat,
na lagi’t lagi ,
may nakalaang kuwarto sa aking gunita para sa iyong ngiti, mukha
na lagi kong binibisita tuwing
nangungulila.
Ganito kaya talaga ang hindi paglimot?
Ilang beses na sigurong sumagi sa iyong isipan
ngunit piniling itapon kasabay ng paglayo, pagsakop
ng distansya?
Ilang beses na sigurong sumagi sa iyong isipan
ngunit piniling itapon kasabay ng paglayo, pagsakop
ng distansya?
Ito lang, patawad, ang kaya kong gawin
tuwing nakikinig sa tunog ng katahimikan:
tuwing nakikinig sa tunog ng katahimikan:
Ang isiping sa ating muling pagkikita, tatanungin mo sa akin,
‘Maaari ba akong bumalik sa aking kuwarto?’
Magsisilipiran ang lahat ng pangamba, makikinig ang Sagada
sa mga salitang naantala sa dila:
sa mga salitang naantala sa dila:
‘Hindi ka naman nawala dito.’
###
Bago matapos ang taon #2
I.
Humahaba ang oras kapag nakatitig ako sa ‘yong mata. Hindi ko sila masisid,
dahil tuwing palalim ako ng palalim, pumapailanlang naman ako tungong liwanag,
Natutuklasan ko lagi ang kaluwalhatian at kalayaan,
na nahati sa dalawa mong mata.
dahil tuwing palalim ako ng palalim, pumapailanlang naman ako tungong liwanag,
Natutuklasan ko lagi ang kaluwalhatian at kalayaan,
na nahati sa dalawa mong mata.
II.
Hindi ko alam kung pagkalunod ba ang nararamdaman ko.
Kay lalim ng iyong pinagmumulan.
Nalulunod ako at hindi ko na mapigilang –
hawakan ang iyong kamay at salatin ang mga peklat, sugat at kalyo,
haplusin ang iyong pisngi at pakiramdaman ang kulubot na inani mo sa digma,
yakapin ka para damhin din ang pagod ng paggawa,
halikan ka nang malasahan ko ang tamis ng ‘yung pakikibaka.
III.
Sa gayung ayos, ngingiti ka at alam ko,
Oras na naman ng pamamaalam,
Inililigtas mo ako lagi sa kamatayan.
Sa gayung ayos, ngingiti ka at alam ko,
Oras na naman ng pamamaalam,
Inililigtas mo ako lagi sa kamatayan.
‘Babalik naman ako.’
Inililigtas mo ako lagi sa sarili kong kalungkutan.
###
Bago matapos ang taon #1
Nagising siya nang may bumangon mula sa kanyang higaan. Wala pa sya sa tamang katinuan nang tumingin siya sa kalangitang kayang ipakita ng bintana. Inaagaw ng liwanag ang dilim,
may lumubog na barko sa gitna ng dagat,
may inang nawalan ng anak,
may pusang nasagasaan sa kalye, may musikang papahina ang tunog,
may mangingibig na handang ialay ang buong kalawakan
may inang nawalan ng anak,
may pusang nasagasaan sa kalye, may musikang papahina ang tunog,
may mangingibig na handang ialay ang buong kalawakan
ngunit huli na ang lahat.
Hinaplos nya ang katahimikan sa kanyang tabi. Pinakiramdaman ito. Iniwan nya ang kama. Pinahiran ang namuong tubig sa mata.
Tinitigan ang sarili. Tumitig ang tokador, ang salamin. May pakiusap ang umaga. Maliwanag na’t madilim pa rin sa kanyang kuwarto. ###
Thursday, 26 December 2013
Lunch Break
Gusto niyang imbentuhin ang bagong sarili.
Pipili siya ng mga salita, ng mga kulay. Tumitig sya sa salamin. Kaunting taas, kaunting lapad. Kaunting lalim.
Inihaplos sa buhok ang langis na niluto noong Biyernes Santo. Pumikit. Sumamba siya sa demonyo (patay si Jesus noong Biyernes).
Mas maitim sa gabi ang mga mata niya. Mas matalim ang mukha kaysa kay Naruto.
Nagtatawanan ang mga tao sa labas ng silid. Ala una na. Ngunit sa kanyang mundo, kanina natapos ang araw at mahaba na masyado ang gabi.
Naalala niya ang amoy ng sinangag kaninang umaga na niluto ng kapit-bahay niya. Gusto niya bigla ng longganisa.
Lumabas siya ng silid. Dinala ang walis at trash bin.
“Kuya, pakilinis naman 'tong area ko” sabi ng unang babaeng nakita niya.
Tumunog ang kumakalam niyang sikmura.
###
Wednesday, 18 December 2013
Lusaw
Isang malungkot na kanta ang pagkalusaw ng usok sa mga espasyo.
Nagbubunsod ito ng emosyon, parang kantang theme song ng isang trahedya, ng isang kwentong (madalas o) pilit na kinakalimutan. Minsan buo, makapal o di kaya’y manipis.
Hinahayaang tumungo’t lusawin ng espasyo o di kaya’y hinahawi na parang lamok.
Ganito yata ang katahimikan kapag napupuno na lamang ito ng hithit-bugang palitan ng mga salitang isinilid sa mga usok upang maglaho ng tuluyan, at pagsisisihang hindi nasabi ni minsan.
Ganito tayo nalulusaw tungong kawalan. ###
Tuesday, 26 November 2013
Saturday, 23 November 2013
Sabado ng Umaga
Iniabot mo sa akin ang isa sa dalawang huling stick ng yosi
mo. Ang sabi ko kagabi ay titigil na ako sa pagyoyosi.
Nasisilip na ng araw itong smoking area ng hotel.
Nagsisimula nang magsilabasan ang ibang guests patungo sa katapat na highway habang
tayo’y nagsisimula pa lamang ang araw mula sa napakahabang gabi ng Biyernes.
“Nalasing ka ba kagabi o nabitin?” tanong mo sa akin.
“Ayos naman. Ayos lang.”
Humithit ako. Ngayon ko na nararamdaman ang antok, alas diyes
ng umaga.
“Sasakay ka na ba dito?” tanong mo sabay buga ng usok.
“Oo yata. Ikaw ba?” sagot ko.
“Sa kabila.”
Maaliwalas itong umaga at tila lahat ng naganap kagabi ay
parte ng mahaba’t magandang panaginip. Manipis ang ulap. Maganda ang pangitain
para sa buong araw ng Sabado. Sana hindi na matapos ito.
“Sige.”
Nauna kang umalis at sumakay ng taxi sa kabilang parte ng
highway. Mabilis ang iyong pamamaalam at paglisan.
“Ingat.”
Sa kabila ng sigla ng sikat ng araw, may mumunting kalungkutan itong smoking area kung saan hinihithit ang
huling sigarilyo, naibubulalas ang huling mga paalam at habilin. Ikaw. Ikaw ang
huling parte ng Biyernes ko na naiwang nakapako sa umaga ng Sabado.###
Tuesday, 19 November 2013
Pangatlo
May kakaibang katahimikan itong loob ng hospital. Bagama’t
maingay ang mga nagdadaldalang mga nurse o umiiyak na mga bata, para akong
nakakulong sa isang vacuum na tanging hininga ko lang ang maririnig.
Bumalik ka noong umalis na ang doctor na nang-check up sa
akin.
“Amoy yosi ka” sabi ko.
“Amoy yosi ka” sabi ko.
“Hindi naman” ang sagot mo.
Lagi tayong magkasalungat.
Tumingala ako sa kesame at pinilit na isara ang mga mata.
Umupo ka sa tabi ko. Bumulong ka sa akin.
“Magiging okey din ang lahat.”
Itinangay ako ng iyong mga salita sa langit. ###
Monday, 18 November 2013
Pangalawa
Noong hinawakan mo ang kamay ko habang naglalakad tayo paalis ng Cubao X, alam kong hindi na ako bibitiw pa.
Sigurado akong maingay noong Biyernes ng gabi pero pakiramdam ko, 'yung tibok lang ng puso ko ang umaalingawngaw sa paligid.
Pagkalagpas natin sa puwesto ni Manong Guard, binitawan mo ang aking mga kamay. Sabi mo 'lasing na yata ako.'
Sumakay ako ng taxi mag-isa. Ang wakas ng gabing iyon ang simula ng lahat. ###
Sigurado akong maingay noong Biyernes ng gabi pero pakiramdam ko, 'yung tibok lang ng puso ko ang umaalingawngaw sa paligid.
Pagkalagpas natin sa puwesto ni Manong Guard, binitawan mo ang aking mga kamay. Sabi mo 'lasing na yata ako.'
Sumakay ako ng taxi mag-isa. Ang wakas ng gabing iyon ang simula ng lahat. ###
Thursday, 14 November 2013
Una
Naiwan ako doon sa segundong malapit na ang labi mo sa aking batok.
Nararamdaman ko na ang mainit mong hininga. Sumisikip itong kuwarto para sa ating dalawa. Maalinsangan.
Pero gaya ng dati, para akong nasementong pusa. Hindi ko masabing 'sige, ituloy mo pa.' Sa pagitan natin, alam ko, naghihintay itong mga kataga ng pag-ibig.
Pasensya na't takot lang ako sa unang gabing may kasama ako sa kama. ###
Nararamdaman ko na ang mainit mong hininga. Sumisikip itong kuwarto para sa ating dalawa. Maalinsangan.
Pero gaya ng dati, para akong nasementong pusa. Hindi ko masabing 'sige, ituloy mo pa.' Sa pagitan natin, alam ko, naghihintay itong mga kataga ng pag-ibig.
Pasensya na't takot lang ako sa unang gabing may kasama ako sa kama. ###
Monday, 11 November 2013
Yolanda
Niyakap niya ang anak na kanina pa umuubo’t natutulog.
Malakas na kasi ang ulan at hangin sa labas. Hapon pa lamang ngunit tila tumutulay sa
hating gabi ang buong daigdig.
Alam niyang kailangan nilang lumikas ngunit hindi niya
maiwan ang tanging tahanang uuwian ng kanyang asawa na hindi pa umuuwi mula sa
trabaho.
Sa loob ng kanilang barung-barong, maririnig ang dasal niya na siya na ring oyayi sa anak na may sakit. Ito ang kanyang pag-asa.
“Mawawala rin
itong bagyo.”
Ang sabi sa TV kinabukasan, pinulbos ng bagyo ang kalawakan ng Tacloban. ###
Ang sabi sa TV kinabukasan, pinulbos ng bagyo ang kalawakan ng Tacloban. ###
Tuesday, 5 November 2013
Sa Natonin, Mt. Province
Sa Natonin, ang kabundukan ay dagat.
Ang mga dausdos ay alon na lumulukso patungo
sa iyong paanan.
Ang mga dausdos ay alon na lumulukso patungo
sa iyong paanan.
Natatanaw kita sa mga payew na humahati
sa dibdib na kaluntian
na siyang binabagtas rin ng iyong mga paa
ang kurba
ang linya
ang hiwaga
ang payew
ang kabundukan.
sa dibdib na kaluntian
na siyang binabagtas rin ng iyong mga paa
ang kurba
ang linya
ang hiwaga
ang payew
ang kabundukan.
Sa Natonin, ang ulan ay pangangamusta
itinatangay ang mapulang kulay ng mga idinurang momma,
sa pintuan na pinagpapanaugan ng mga bumabalik,
sa sulok-sulok na tagpuan
ng mga naghihintay
at naghahanap.
itinatangay ang mapulang kulay ng mga idinurang momma,
sa pintuan na pinagpapanaugan ng mga bumabalik,
sa sulok-sulok na tagpuan
ng mga naghihintay
at naghahanap.
Sa Natonin, ang gabi ay mahabang biyahe
patungo sa iyo
patungo sa pusod
ng katahimikan,
o mga gabing para sana sa mahimbing na tulog,
at mahabang panaginip,
mga sandaling hinuhuli kita
sa aking isipan.
patungo sa iyo
patungo sa pusod
ng katahimikan,
o mga gabing para sana sa mahimbing na tulog,
at mahabang panaginip,
mga sandaling hinuhuli kita
sa aking isipan.
###
08/10/2009
Paano ko pinatay si Bob Marley
Dumating
si Bob Marley sa kuwarto ko nang bumagsak ang panglimang bote ng beer. Kahit
ako’y nagtataka kung bakit siya narito sa kuwarto ko. Hinayaan ko na lang siya.
Wala na rin kasi akong makausap na iba maliban sa mga bote ng beer na kanina ko
pa kinakausap.
Nagkukuwentuhan
kami noong una. Maayos ang usapan. Nakikinig lang siya. Pero habang tumatagal napapansin kong
nababagot na siya. Malikot ang mga mata niya. Ayaw raw niya sa pulang bombilya.
Humiga pa sa kama ng boardmate ko. Ayaw raw niya sa blue na kumot. Hindi na
siya nakikinig at parang nang-iinsultong binubuklat ang mga libro sa kama.
Corny raw ang mga binabasa ko. Nagsasawa na raw siya sa mga paulit-ulit kong
kuwento. Nagsimula na siyang magkuwento ng iba.
Tumahimik
ako. Sandali lang iyon dahil naiirita na talaga ako sa kanya. Sa tingin ko’y
niloloko na niya ako. Gusto kong hugutin ang bituka niya at gawing pulutan.
Hindi ko
na siya maintindihan. Ayaw daw niya sa kuwarto ko. Ilang sandali pa’y inilabas
na niya ang isang pakete ng marijuana at sinimulang pausukan ang loob ng aking
kuwarto. Nasa langit na daw kami.
Kinabahan
ako. Baka malaman ng landlady ko. Pinilit kong agawin ‘yon sa kanya. Pero hindi
ko makuha ang umuusok na marijuana. Mahaba ang mga braso niya, abot ang kesame.
Gusto ko
siyang palabasin pero ayokong mag-isa sa kuwarto. Gusto kong may kasama. Pero
naiinis na ako sa mga ginagawa niya. Nakakagago. Pinagtatawanan na niya ako at
ininsulto pa. “Magpakamatay ka na lang…” sabi niya.
Kahit pa
nakapikit ako ay alam kong tuwang-tuwa siya sa pang-iinsulto sa akin. Naririnig
ko ang mga tawa niya.
Hindi ko
alam pero bigla na lang nagkaroon ng baril sa ilalim ng kama ko. Hindi ko alam
kung saan galing ‘yon. Sumabit sa mga kamay ko ang baril at mahiwagang alam ko
kung paano ikasa ‘yon, parang radyo. Tumayo ako at humarap sa aking bisita.
Namumula pa rin ang mukha niya sa katatawa. May mga ulap at hamog sa kuwarto namin.
“Nasa langit na ba ako…” Kumikinang ang mga mata niya na
parang salamin. Parang mga mata ko rin.
Alam
niyang babarilin ko na siya pero hindi siya natatakot. Tuloy pa rin siya sa
trip niya na pagtawanan ako. Hindi ako nagdalawang-isip na paputukin ang baril.
Para lamang akong pumapatay ng lamok.
Isang bala
pa lang tumahimik na amputa. Tumahimik ang kuwarto ko. Unti-unting kumalat ang
dugo. Kitang-kita ko sa dugo ang repleksyon ko. Mapula. Pulang-pula ang mukha
ko lalo na ang mga mata ko.
“Patay
na ang gago.”
Gusto ko
pa sana siyang barilin pero baka marinig ng landlady namin. Buti na lang at
hindi pa niya ako sinisita sa naunang putok. Itinago ko ang baril ulit sa
ilalim ng kama. Ngayon hindi ko alam kung paano lilinisin ang bangkay ng Marley
na ‘toh.
Biglang
dumating ang boardmate ko dala ang pulutang pinabili ko. Nagmura siya. “Paksyet.”
Nag-away
kami ng kaibigan ko dahil pinatay ko si Bob Marley, ang paborito niya.###
Oct. 2006 | Class requirement sa klase (BLL 140) ni Sir Jun Cruz Reyes
Thursday, 31 October 2013
Multo
Sinikap kong ilayo ang tingin sa
ibang bagay maliban sa pinto ng kuwarto.
Pero hinihila talaga nito ang dalawang bola ng mata ko na lalong tignan at
buksan ito. Sigurado talaga ako. May multo sa kuwarto ng tita ko.
…..
Dumating
ang multo matapos ang libing ng tita ko. Parang ganoon ‘yong nangyari kay tita.
Umalis na lang bigla ng walang pasabi nalaman ko na lang na patay na siya sa isang ospital sa Dagupan. Hindi man
lang niya naibigay ang pangako niyang
banana cue. Ganoon ang pagdating ng
multo. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya. Basta ang alam ko, malimit siyang
magparamdam, tahimik, paunti-unti. Lalo na sa mga panahong nag-iisa ako at
nag-iisip ng malalim.
…..
Ngayon, muling nang-aakit ang multo.
Lumapit ako sa pinto. Idinikit ko ang aking tenga sa poster na nakadikit sa
pinto na may “silence please at knock first before entering.” Walang kaluskos
akong narinig. Alam niyang nasa labas
ako at minamatyagan siya. Kumuha ako ng walis sa kusina at bumalik. “Huhuliin
kita.” Pinihit ko ang seradora ng pinto. Hindi ako natakot.
…..
Inangkin
na ng multo ang kuwarto ni tita. Tuwing biyernes ang madalas niyang
pagpaparamdam. Naririnig ko minsan mula sa aking kuwarto ang paghila ng upuan,
ang pagbuklat niya sa mga libro at notebooks ni tita na minsan ay nahuhulog
niya. Pati ‘yong mga gamit ni tita sa pagtuturo sa school ay ginugulo niya rin,
mga lesson plans at class records o kaya mga informal themes ng mga estudyante
niya. Sa tingin niya siguro dahil wala na si tita ay sa kanya na iyon.
…..
Patay ang ilaw. Mabilis ang mga
kamay kong nanghagilap sa “on”. Alam ko kung nasaan iyon kaya naging madali na sa akin ‘yon. Agad
akong niyakap ng lamig mula sa bukas na bintana, ng kakaibang pakiramdam, ng
kakaibang amoy ng pabango ni tita na medyo amoy ilang-ilang. Kasabay ng
pagpasok ng amoy sa ilong ko ang biglaang paglabas ng mga alaala sa isip ko.
Pero hindi ko muna iisipin iyon. Kailangan kong huliin ang multo.
…..
Mahilig
manggulo ng mga gamit ang multo at mahilig ding makialam. Minsan naabutan na
lang ni mama na nakakalat ang mga libro ni tita sa kuwarto. Sa may study table,
sa kama, sa tukador. Pati ‘yong mga photo albums. Pati ang kama ay
pinaglalaruan nito. Punong-puno ito ng mga papel na may drowing. Nagagalit
tuloy sina mama. Hindi nila alam na may multo. Ako ang lagi nilang sinisisi.
…..
Determinado akong huliin ang multo. Gusto
kong malaman kung sino siya at kung ano nga bang itsura niya. Kamukha niya kaya
‘yong nasa mga “Shake, Rattle and Roll” na mga pelikula? Pagkasindi ko ng ilaw,
wala na siya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong kuwarto at tama ang hinala ko.
Nagkalat na naman siya ng mga papel na may mga drowing niya. Alam kong magagalit na naman sina mama. Itinago
ko ang lahat ng mga kalat sa komoda ni tita na gawa sa nara. Napakalaki nun
kaya siguradong hindi na ‘yun titignan ni mama. Amoy naphtalene pa ang
aparador.
…..
May
mga oras na pakiramdam ko ay bumubulong ang multo sa akin. May mga oras na
pinipilit niya akong pumunta sa kuwarto ni tita. Iyon ‘yung mga oras na sana
buhay pa si tita para takbuhan ko. Siguradong rosaryo lang ang katapat niya
tulad ng sakit sa tiyan, bukol sa ulo, palo ni mama at sapak ni kuya.
…..
Isinuksok ko nang mabuti ang mga
piraso ng papel sa mga damit ni tita. Kapag natuklasan iyon ni mama, tiyak ako
ang mapapagalitan. Isinara ko ng mahigpit ang komoda. Ganoon din kalakas ang
ingay noong isinara ko ito, parang pinupunit na plywood. Kinuha ko ang mga
bolpen na nakakalat. Naamoy ko pa ang mabangong tinta na paborito ni tita at
gustong-gusto ko rin. Inilagay ko ‘yon sa Flintstones niyang lalagyan ng
bolpen. Inayos ko lahat ng libro na ikinalat ng multo at inilagay sa shelf sa
tabi ng komoda. Naroon din ang bibliya.
Nang maayos ko na lahat, muli kong
tinignan lahat kung meron pa bang bakas ng multong iyon. Pero nakaramdam lang
ako ng pangungulila ng makita ang mga litrato ni tita sa dingding. Nakatingin
sila lahat sa akin. Pati ang malaking larawan ni Jesus sa altar nakatingin sa
akin.
Sa likod ko paglingon ko, ang
malaking salamin. Malapad ito kasya ang katawan ko bilang isang pitong taong
gulang na bata. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Hindi ako nagkakamali sa nakikita
ko. Nasa likod ko ang multo
.
“Sabi
ko na nga ba eh. Ikaw na bata ka ha. Sige labas. Ila-lock ko na ito para hindi
mo na pakialamanan ang mga gamit ng tita mo.”
Hindi ko namalayan mula sa
pagkakatitig ko sa salamin ang paparating na tunog ng mga yapak ni mama.
Binuksan niya ang pinto ng pabigla. Agad akong tumingin sa salamin kung nandoon
pa ang multo. Pero wala na.
Ako na naman ang mapagbibintangan.
Paano ko kaya ipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa multo? Maniniwala ba sila sa
akin? Isa lang akong bata.
Tumingin ako ulit sa salamin. Wala
na nga talaga ang multo. Pero nakita ko ang sarili ko.
…..
Maraming
multo sa buhay ko.
Paminsan-minsan
natatakot ako.
Basta mag-pray lagi daw ako sabi ni tita noon.
……
Hindi ko na alam kung sino ang
multo. Kung ano ang pakay niya. Isang linggo pagkatapos noon, ginawang bodega
ang kuwarto ni tita. Hindi na ako nangahas na pumasok pa doon. Kung paanong dumating
ang multo sa bahay namin ay ganoon din siyang umalis ng walang paalam.
###
Oct. 2006 | Class requirement sa klase (BLL 140) ni Sir Jun Cruz Reyes
Tuesday, 29 October 2013
Sampung kwento mula sa Sugarfree at kung paano tayo nabigo sa pag-ibig
I.
O ngayong gabi, managinip
Managinip ulit tayo sa sarili nating mundo
II.
Dahil dito sa Mariposa ay mahirap ang nag-iisa
Dahil dito sa Mariposa, ako lang yata ang nag-iisa
III.
Tinatawag kita
Sinusuyo kita
Di mo man madama
Di mo man marinig
O kay tagal kitang mamahalin
IV.
Hintay, hintayin mo ako
Mahirap nang maiwan dito
Hintay, hintayin mo ako
V.
Tapusin na natin ang mga hindi natin kailangang dalhin
VI.
Wag ka nang matakot sa lungkot
Wag kang mag-alala ako ang iyong kumot
Sa alinlangan
VII.
Parang atin ang gabi
***
VIII.
Walang paalam
Natutulog ka lang
Bukas paggising ko nandyan ka na muli
Sa aking tabi
At ikukuwento mo
Mga nakita mo
Habang tayo’y magkalayo
IX.
Ito na ang ating huling gabi
X.
Magpapaalam na sa’yo ang aking kuwarto
Magpapaalam na sa’yo
I. Telepono
II. Mariposa
III. Burnout
IV. Hintay
V. Wala
VI. Alinlangan
VII. Prom
VIII. Walang paalam
IX. Huling gabi
X. Kwarto
Sunday, 13 October 2013
Ganito ang pagbabalik
Nagpasya na lamang tumahimik ang lahat ng bagay. Hinihintay ang babala, o ‘di kaya’y pasabi na may darating. Ganito,
walang init ang palad sa mga haplos sa magkabilang siko habang naglalakad sa kadiliman ng parking lot. Malayo ma’y naaabot ako ng ilaw mula ng sala. Nagtampo yata itong buwan at hindi nagpapakita, pasilip-silip, patumpik-tumpik, nagdadalawang-isip kong darating o hindi.
Huwag ka muna kayang lumapit. Kaunting distansya lang ay pwede ko nang sabihin “huwag ka munang umalis,”
kung darating ka man.
At itong kalawakan sa taas, mahinahong bumubulong – malamig na dampi sa tenga, hamog na kanina pa lumulutang-lutang at wala direksyon. At hihinto.
Ilang ruta na ng pag-ikot ang natalunton ko dito sa parking lot. Anong haba ng paglalakbay na walang hinahantungan, na hindi umuusad.
Itong katahimikan, nagtakda ng katapusan. Ubos ang sigarilyo’t namatay sa talampakan.###
Sa alaala ng Sagada, hantungan ng lahat-lahat. Reblogged - May 29, 2012
Saturday, 5 October 2013
Sa Bay 8
Tumabi siya sa akin.
'Wala naman akong gagawin ngayong gabi' sabi niya sa kausap niya sa telepono.
Hinawakan ko ang bag ko. Maraming bagay ang nawawala't nananakaw sa mga terminal.
Tinignan ko siya. Mula sa itim na sapatos hanggang sa kanyang buhok. Nakaramdam yata siya't tumingin din sa akin, sa mata. Humithit ako ng yosi sabay iwas ng tingin. Alam kong nakapako pa rin sa akin ang mga mata niya.
Inilabas ko ang usok sa aking dibdib. Marami ang nalulunod sa mga bagay na ikinukulong sa dibdib katulad ng lason ng usok.
Tinignan ko ulit siya. Ngumiti siya.
Tumingin sa mga sasakyang dumadaan, at umaalis na mga pasahero. Tumingin ulit ako sa kanya.
Maraming bagay ang naliligaw sa mga terminal at kanya-kanya tayo ng paraan para mahanap ang daang patutunguhan.
Hindi yata ako nag-iisa. ###
Kanina sa NAIA Terminal 3 habang nagpapahinga at nag-iisip kung saan ako titira ngayong gabi.
'Wala naman akong gagawin ngayong gabi' sabi niya sa kausap niya sa telepono.
Hinawakan ko ang bag ko. Maraming bagay ang nawawala't nananakaw sa mga terminal.
Tinignan ko siya. Mula sa itim na sapatos hanggang sa kanyang buhok. Nakaramdam yata siya't tumingin din sa akin, sa mata. Humithit ako ng yosi sabay iwas ng tingin. Alam kong nakapako pa rin sa akin ang mga mata niya.
Inilabas ko ang usok sa aking dibdib. Marami ang nalulunod sa mga bagay na ikinukulong sa dibdib katulad ng lason ng usok.
Tinignan ko ulit siya. Ngumiti siya.
Tumingin sa mga sasakyang dumadaan, at umaalis na mga pasahero. Tumingin ulit ako sa kanya.
Maraming bagay ang naliligaw sa mga terminal at kanya-kanya tayo ng paraan para mahanap ang daang patutunguhan.
Hindi yata ako nag-iisa. ###
Kanina sa NAIA Terminal 3 habang nagpapahinga at nag-iisip kung saan ako titira ngayong gabi.
Thursday, 3 October 2013
Ganito ang katahimikan
Ganito ang katahimikan sa loob ng aking kuwarto:
May telebisyong hinahalo ang sarili sa kulay at liwanag. May bukas na bintanang naghihintay sa pagdampi ng hangin. Hindi na sumasayaw ang kurtina. Hindi na umuungol ang mga pusa sa kalsada.
Sa papel, sa aking mesa, isinusulat ng katahimikan ang kawalan ng salita. Hindi na matutulugan ang kalahati ng kama.
Sa kabilang panig ng mundo, may isinarang kabanata sa isang kuwento ng pag-ibig.
###
(repost) 05302012
Saturday, 28 September 2013
Note I
Pumasok si Joseph nang may bigat sa paglalakad. Kaunti lang ang nabago sa boarding house na ito ngunit sa kanya, parang isang siglo ang dumaan. Bawal na magyosi, bawal na ang bisita.
Una’y sumilip siya, at tuluyang tinulak ang pintuan na ‘sing bigat ng kung anong naganap sa silid na iyon.
***
Nabubuhay siya sa nakaraan (ng ganun katagal). Patuloy na nakikidigma ang kanyang puso. Tapos na ang laban, naisugal na ang lahat ng pwedeng itaya.
Sumuko na ang kanyang kalaban habang siya, naiwang nagmamahal sa mga bagay na lumipas (katulad ng kuwartong ito). ###
*mula ulit sa lumang blog
Monday, 23 September 2013
Kupido I
‘Yung lasa ng dugo ay malansa na may kaunting alat. Hindi niya alam kung babangon ba sya o diretsong hihiga na lang sa sofa na nasabik yata sa katawan niya.
Masyadong nakakasilaw ang liwanag ng bulb sa sala. Binasa ng laway ang labi. May bagang gumagapang sa leeg niya. Kinagat ang labi tsaka ibinukas ang mata.
Itinulak niya si Kupido. Inalis ang palaso na nakatusok sa dibdib.
‘Putangina mo!’
Tumayo si Abel na parang nagkaroon ng panibagong lakas. Nalasahan ulit ang dugo mula sa namamanhid na labi.
Nakita niya ang puso niya sa kamay ni Kupido. Pumipintig ito. Naririnig niya. Papalakas ng papalakas.
Natatakot siyang marinig ito ng kanyang mga kabahay na abalang nanunuod ng porn sa kani-kanilang mga kuwarto. Naalala niya ang mga pusang kung makapagkantutan sa isa't isa ay parang walang bukas. Baka pumasok sila sa loob ng bahay at kainin ang kanyang puso.
Ngumisi si Kupido. Nakahubad siyang naglakad. Papalapit. Malapit na malapit.
Naramdaman niya ulit ang palasong nakasaksak sa dibdib niya. Bagamat malayo ang puso, siya namang sakit na pilit niyang ipinadarama sa kanyang sarili. At hinayaang niyang kagatin ni Kupido ang kanyang mga labi na kanina pa dumurugo at namamaga. ###
Habang nakatambay/ trapped dito sa Greenhills.
Friday, 20 September 2013
Lansa
Iginuhit ng dugo sa kanyang dila ang mga tamang salita. At doon, nalasahan niya sa unang pagkakataon ang galit.
“Putangina.”
###052211
“Putangina.”
###052211
Tuesday, 17 September 2013
Sa Kanto Bonifacio
“Dalawang stick nga po ng green,” sabi ko kay manang. Matagal na yata akong hindi nagagawi sa kantong ito. Bukod sa kaunti ang estudyanteng tumatambay ngayong araw na ito, tatlong puwesto ng karinderya yata ang inaayos.
Makipot pero matao ang lugar na ito. Bukod kasi sa tabi nito ang pinakamalaking unibersidad dito sa Baguio, isa rin siyang major na daanan ng mga jeep.
“2.50 isa ha,” paalala ni manang. Inabot ko ang limang piso, nagsindi tsaka tumalikod para humithit ng sigarilyo.
Pulu-pulupot na ang mga wires sa katapat kong electric post. Makulimlim pero maalinsangan ang pakiramdam. Amoy guma. Amoy basura.
Hithit-buga. Parang tambutso lang ng mga jeep na dumadaan ang bunganga ko. Hithit-buga. Napagod yata ako sa maghapong trabaho, at lumulutang ang isip ko katulad ng usok galing sa baga ko.
Ilang saglit lang, lumapit sa akin ang isang bata. May kulay ng pula ang buhok na medyo mahaba. Parang ‘yung buhok ng stereotype na emo punk, mas magulo at dugyot nga lang. Maluwang ang damit niyang kakulay ng lupa. Sa sobrang haba at laki, hindi ko na makita ang shorts niya. O kung may shorts nga ba siya. Nakapasok sa sleeves ng damit niya ang kamay niya.
“Kuya, pahingi pera.”
“Wala akong pera.”
Tumalikod ako at hinintay ko siyang umalis. Pero nandoon pa rin siya.
“Kuya, sige na. Pera,” sabi niya ulit.
“Wala. Wala akong pera.”
Biglang nagsalita si manang.
“Walang pera ‘yan. Estudyante ‘yan” sabi niya.
Tumingin lang sa akin ang bata. Itinakip sa ilong at bunganga ang kuwelyo ng damit. Huminga ng malalim tsaka umalis.
“Pukinginang bata ‘to ah.”
Humithit ulit ako ng yosi. May dumaan pang apat na batang katulad niya.
“Itong mga batang ito, nagra-rugby tapos hihingi ng pera” sabi ko habang kumukuha ng candy sa mga paninda ni manang.
“Napabayaan ng magulang eh” sagot niya.
Inabot ko ang isang piso. Hinithit ang huling usok mula sa yosi. Ipinahid ang sindi nito sa talampakan ng sapatos ko. Binalatan ang candy at isinubo sa bunganga. Hinanap ko ang basurahan.
Dumating agad ang jeep.
Sadyang marami ang nagbago sa kantong ito, pangalan na lang ang naiwang pamilyar sa akin. ### Hunyo 2011
Sabado ng gabi
Damhin mo itong dingding na namamagitan sa ating kuwarto at isiping itong kanyang gaspang ay katulad ng mga peklat na hindi ko pa handang ipakita sa'yo. ###
Monday, 2 September 2013
Tungkol sa On the Job (OTJ)
Sa simula, habang nagdiriwang ang mga tao sa
piyesta ng San Juan, ibang pagdiriwang naman ang pinaghahandaan nina Daniel
(Gerald Anderson) at Tatang (Joel Torre). Walang kaabog-abog na babarilin ni
Tatang ang target na Chinese businessman sa dibdib at sa noo. Makikita mo ang pagkawasak
ng mukha at paglabas ng utak ng biktima.
Magkakagulo ang mga tao habang payapang aalis si Tatang na
hindi mo makikitaan ng pagsisisi o pag-aalinlangan. Ito ang buhay ng mga
bayarang preso na ginagamit bilang mga invisible
weapon ng mga may kapangyarihan. Ito ang On the Job (OTJ).
***
Galit at kawalan ng pag-asa ang umiiral na motibo ng
pelikulang OTJ. Ibinabahagi
ng pelikula sa mga manunuod ang motibong ito ng walang pagpipilit.
Ambisyoso si Erik Matti sa piniling genre at tema para sa
pelikulang OTJ ngunit hindi siya nabigong bigyan ng larawan ang
nakaririmarim na katotohanan sa lipunang Pilipino.
Sa panahong ginagawang bata ng mga mainstream films ang mga Pinoy sa pamamagitna ng mga rom-com, comedy, at horror movies (na karamihan ay mula rin sa Star Cinema), bago sa
panlasa ng mga manunuod ang OTJ. Madilim at mabilis ang kabuuan ng pelikula ngunit hindi
mararamdaman ang pagkaumay sa dami ng mga pagmumura nina Daniel, Tatang, at Acosta
(Joey Marquez). Habang gumigiling ang istorya, dinadala ka nito sa lalim ng mga
karakter ng OTJ.
Hindi na siguro kailangan pa ng debate pagdating sa
katalinuhan sa pag-arte ni Joel Torre. Salungat sa imahe niya bilang Tatang sa
loob ng kulungan ang kanyang pagiging tatay kay Tina (Empress) at asawa sa
nangangaliwang si Lolet (Angel Aquino).
Nasabayan naman ito sa atakeng ginawa sa karakter ni Francis (Piolo
Pascual), Daniel, at Acosta. Pinapalawak ngunit napanghahawakan ng pelikula ang
kontradiksyon ng bawat karakter na hindi lamang nakakulong sa sentral na tunggalian – sa pagitan
ni Francis at ng grupo ni Tatang – ngunit umaalpas sa kani-kanilang mga pamilya’t
kaibigan na kumakatawan sa mas ordinaryong mga Pilipino.
Napatunayan din ng pelikula na hindi kailangang i-resolba
lahat ng naipakitang tunggalian bagkus binibigyan nito ng kakayahan ang mga
manunuod na mag-isip. Hindi man nabanggit, alam na natin ang kahihinatnan ng
karakter ni Nikki (Shaina Magdayao) na mas pipiliing tumahimik at sumunod sa
amang (Michael de Mesa) kasabwat sa pagkamatay ng sariling asawa (Francis).
Alam na rin nating hindi kailanman mapaparusahan si General Pacheco (Leo Martinez) na siyang utak sa assassinations ng kanyang mga kalaban at pagkamatay ng mga ahenteng may alam sa transakyon sa kulungan. Alam na rin nating hindi kailanman mababago ang namamayaning sistema, ang pag-upo ng katulad ni General Pacheco sa gobyerno.
Alam na rin nating hindi kailanman mapaparusahan si General Pacheco (Leo Martinez) na siyang utak sa assassinations ng kanyang mga kalaban at pagkamatay ng mga ahenteng may alam sa transakyon sa kulungan. Alam na rin nating hindi kailanman mababago ang namamayaning sistema, ang pag-upo ng katulad ni General Pacheco sa gobyerno.
Samantala, maikli ngunit mahusay naman ang pagganap ng ilang
kilalang artista na nagkaroon ng cameo
roles sa pelikula katulad nina Rosanna Roces at JM de Guzman ganun din sina
Dawn Balagot at Angel Aquino. Sila ang mga kabataang lulong sa droga, mga nanay
na walang ibang ginagawa kundi umasa sa asawa, at mga taong walang
kamalay-malay sa lalim ng sugat ng Pilipinas.
Mahusay na naihabi ang mga karakter sa pelikula na kahit sandali lamang ang papel ng iba ay parang kilala mo na sila ng matagal. Minsan sa buhay mo ay nakilala mo rin sina Lolet, Tina, Diana (Dawn Balagot), etc.
Mahusay na naihabi ang mga karakter sa pelikula na kahit sandali lamang ang papel ng iba ay parang kilala mo na sila ng matagal. Minsan sa buhay mo ay nakilala mo rin sina Lolet, Tina, Diana (Dawn Balagot), etc.
Pinatay ng pelikula ang pag-asang paglaya ni Tatang sa
kulungan sa pamamagitan ng pagpatay nito sa estudyante at anak-anakang si Daniel. Nakakitaan ng puso, hindi puro karahasan, ang pelikula sa tagpong nagpapaalam na si Daniel kay Tatang.
Bagama’t hindi gaanong kailangan, mapangahas din ang mga sex
scenes nina Piolo-Shaina at Gerald-Dawn walang pag-aatubiling nagpakita ng katawan.
Hindi katulad ng ibang karaniwang action scenes sa pelikula, hindi ka mamamangha sa mga imposibleng stunts ng mga artista na kayang maging Superman pagdating sa pag-ilag sa mga
bala. Makatotohanan ang OTJ. Makatotohanan ang mga tagpo sa pagitan ng mga pulis at nina Tatang at Daniel
o nang daredevil na pagsugod ni
Acosta sa convoy ng heneral.
Tumatagos sa bawat pag-inog ng kamera ang mga kwentong ito. Bagama’t karamihan ay madilim, hindi mo kakikitaan ng monotony ang mga shots o ‘di kaya’y pagkagasgas ang mga hand-held shots.
Hindi naman gaanong mapapansin ang musikang nakalapat sa
pelikula maliban sa pagpasok ng Mateo Singko
ni Dong Abay sa mga huling eksenang may malaking parte sa kabuuan ng pelikula.
Sa pag-ikot ng kwento, sa pagtalima ni Francis sa
katotohanan, makikita ang kapangyarihan ng mga naghaharing-uri at kung paano
nila kayang-kayang balikwasin ang katotohanan gamit ang media at iba pang
rekursong sila lang ang may kontrol (kasama na dito ang NBI), kasama na dito ang
buhay ng mga taong hawak nila sa kanilang mga kamay.
Sa huli, ipinagdidiinan ng OTJ ang namamayaning istruktura
sa lipunang Pilipino – ang lumalawak na pagitan ng mayaman at mahirap, ang
pang-aapi at pambubusabus ng estado o mga nasa poder sa ibang sektor, at ang buhay
ng mas malawak na masang Pilipino na ginagawang mga alipin at laruan ng
naghaharing-uri.
Laging pinapatay ang mga katotohanang ito katulad ng pagkamatay
ni Francis at Daniel, at pagkaalis sa puwesto ni Acosta ngunit hindi nagtatapos
sa kamatayan ang lahat. Iniluluwal ng karahasan ang bagong karahasan, at parte
ng prosesong ito ang kamatayan. ###
Friday, 30 August 2013
Pamamaalam
First year college ako noong isinulat ko ito para sa Freshie Poetry Jam.
***
Makitid ang kama sa iyong kuwarto
Subalit
nagawa mong palawakin ang aking mundo.
Hindi na ako
naghanap ng iba pang init
Bukod sa
dulot ng mga yakap mo.
Kape natin sa
maalinsangang gabi ang mga halik
At ang bawat
salitang binibigkas ay pangarap,
Habang
sinusubukan nating malaman
Kung tunay ba
ang nararamdaman
O sadyang
pagkalito lamang.
Ganun ang init
lamig sa kuwarto mo.
Madilim,
masikip, makitid
Subalit
pinili kong yakapin ito.
Pinilit kong
isiping kasama rin ako sa paglalakbay
Ng mga
ningning sa iyong mata—
--habang nasa piling kita.
Pinilit kong
talikuran ang ako,
At palayain
ang isa pang katauhan ko—
na nakatago sa iyo.
masarap
damhing may karamay ako sa pagkabigo
at pagsasaya
subalit
paggising kinaumagahan,
tanging kumot
at unan na lamang
ang aking
hagkan. ###
Agosto 2005
Thursday, 29 August 2013
Kagabi ako'y nanaginip
Naliligaw daw tayo’t
naghahanap ng bahay sa isang kalyeng
hindi natin alam.
naghahanap ng bahay sa isang kalyeng
hindi natin alam.
Tumingila tayo sa langit.
Humingi tayo ng tulong, nanalangin.
Humingi tayo ng ulan.
Humingi tayo ng tulong, nanalangin.
Humingi tayo ng ulan.
Humingi ng pagkulimlim sakaling maisip natin kung
saan tayo nagmula, baka sa pagkaaligaga’y
maituro ng paa ang patutunguhan,
ngunit pinagmasdan lang natin ang dumating na ambon.
saan tayo nagmula, baka sa pagkaaligaga’y
maituro ng paa ang patutunguhan,
ngunit pinagmasdan lang natin ang dumating na ambon.
Dumampi ito sa ating balat.
tinitigan kita at doon ko naramdaman ang matinding
pangungulila,
tinitigan kita at doon ko naramdaman ang matinding
pangungulila,
pagkabalisa at pagkawala.
Tayo’y nasa sangandaan pa ring hindi natin nakikilala.### 09/15/11
Saturday, 24 August 2013
Ang bagyo ayon sa Grupong Pendong
'Bagyo-bagyo' mula sa album na 'Panahon'
Bagyo-bagyo anurin mo ang dungis ng katilingban,
sa bayan tila nagmamaliw.
Bawiin ang uhaw ng mga tigang na damdamin.
Hugasan ang poot ng mga pusong nangingitim.
Bagyo-bagyo ikalat mo ang kwento ng pagibig,
ang tula na di na madinig.
Isipol ang awit kasabay ng iyong pagdilig
sa lupang kay tagal na naghihintay sa pagsapit ng tag ulan.
Bagyo-bagyo sabihin mo
kailan nga ba darating
ang pagsikat ng araw ng simula,
sariwang hangin na mapayapa.
Bagyo-bagyo wasakin mo pagkakahati-hati
ng mga tao sa bayan ko.
Ibuhos ang galit at baka sakaling mayanig
ang kawalang damdamin ng mayroon narinig.
Bagyo-bagyo anurin mo ang dungis ng katilingban,
sa bayan tila nagmamaliw.
Bawiin ang uhaw ng mga tigang na damdamin.
Hugasan ang poot ng mga pusong nangingitim.
Bagyo-bagyo ikalat mo ang kwento ng pagibig,
ang tula na di na madinig.
Isipol ang awit kasabay ng iyong pagdilig
sa lupang kay tagal na naghihintay sa pagsapit ng tag ulan.
Bagyo-bagyo sabihin mo
kailan nga ba darating
ang pagsikat ng araw ng simula,
sariwang hangin na mapayapa.
Bagyo-bagyo wasakin mo pagkakahati-hati
ng mga tao sa bayan ko.
Ibuhos ang galit at baka sakaling mayanig
ang kawalang damdamin ng mayroon narinig.
Tuesday, 20 August 2013
Pagbabalik
May ipinapaala sa akin itong bagyo’t ulan.
Kahapon, rumaragasa sa labas ng opisina ang tubig-ulan. Mabuti na lang at hindi katulad ng Maynila dito na binabaha kaunting kembot lang ng ulan.
Wala akong payong. Wala akong kapote. At walang balak
tumila itong ulan.
Nakatitig lang ako sa daan (highway tapat ng opisina) habang ang ibang katrabaho ko’y paalis na at pauwi. Naisip kong magkape sana muna sa labas, pampainit bago umuwi ng boarding house pero wala nga akong payong.
“Magdala ka kasi ng payong” sabi ng isang katrabaho ko na noong una’y nagtatanong kung makikisabay akong papuntang SM. Tumanggi ako at ngumiti.
Matagal ko nang hindi naririnig ang ganoong paalala. Kinalkal ko ang bag ko para mahanap ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mama.
Mang, kumusta kayo ditan?*
Nakatitig lang ako sa daan (highway tapat ng opisina) habang ang ibang katrabaho ko’y paalis na at pauwi. Naisip kong magkape sana muna sa labas, pampainit bago umuwi ng boarding house pero wala nga akong payong.
“Magdala ka kasi ng payong” sabi ng isang katrabaho ko na noong una’y nagtatanong kung makikisabay akong papuntang SM. Tumanggi ako at ngumiti.
Matagal ko nang hindi naririnig ang ganoong paalala. Kinalkal ko ang bag ko para mahanap ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mama.
Mang, kumusta kayo ditan?*
###
*(Ilocano) Mang, kumusta na kayo diyan?
Saturday, 17 August 2013
Friday, 2 August 2013
Sulat III
S,
hindi na ako naniniwala sa pantasya,
nalasahan ko na ang pait ng pag-ibig na noon ay akala kong alam ko na (at pinilit na isulat),
at higit sa lahat,
hindi ko sinasadyang saktan ka.
###
hindi na ako naniniwala sa pantasya,
nalasahan ko na ang pait ng pag-ibig na noon ay akala kong alam ko na (at pinilit na isulat),
at higit sa lahat,
hindi ko sinasadyang saktan ka.
###
Subscribe to:
Posts (Atom)