Naiguhit ko na ang lahat konstelasyon sa kisame. Hindi pa natatapos ang ulan. Hindi pa nagpaparamdam ang mga panaginip.
Pumapasok na ang lamig. Anong pangamba? Anong pananahimik?
Haharap sa kaliwa. Magdarasal. Mangungumpisal. Babaluktot. Naninigas na ang mga paa ko. Maikli lagi ang kumot sa tuwing iniisip kita, kapag hindi matapos-tapos ang magdamag at ang tag-ulan.### 030512