Showing posts with label up dharma down. Show all posts
Showing posts with label up dharma down. Show all posts

Sunday, 21 July 2013

Ang pagpaparaya ayon sa Up Dharma Down

Pinag-isipan kong mabuti kung sasabihin ko ba sa iyo na gustong-gusto kita. Hindi ko alam kung kailan eksaktong nagsimula ito. Kahapon habang nakahiga lang ako sa dalampasigan, habang ipinapanalangin sa mga diyosa ng alon at buhangin na sana sa La Union na lang ako lagi nakatira, naisip ko na dapat pagkabalik ng Baguio ay mayroon na akong desisyon.

Pasensya na at ang babaw nitong pinag-iisipan ko. Sasabihin ko lang naman na gusto kita, wala namang na dapat kaso iyon. Sasabihin ko lang 'yung nararamdaman ko tapos okey na siguro.

Pero alam naman nating hindi lang iyon ang gusto ko. Gusto ko siyempre may sagot ka. Gusto ko siyempre na maging tayo. 


At alam kong hindi mangyayari 'yun.

Kaya, siguro, hahayaan ko na lang munang lumipas itong nararamdaman ko at sigurado naman akong mawawala rin ito. Sa mga susunod na buwan baka okey na rin ako. Sa ngayon, ayaw ko munang makita ka o makasama. Marami akong naaalala tungkol sa atin at hindi ko alam kung ako lang ba ang nagbigay ng malisya sa lahat ng iyon, at inisip na baka may gusto ka rin sa akin. Torpe lang talaga ako minsan. Hindi ko na yata malalaman kung ano ang nararamdaman mo para sa akin. 



Ang iyong mangingibig, E. 


###



Wednesday, 20 March 2013

Delubyo

Ang sabi ng kanta sa radyo “delubyo, delubyo, winasak mong lahat, naririnig mo ba, ang puso kong nabibiyak?”
Tumingala siya sa kalawakan, sa labas ng taxi. Bumaba ang mga anghel para pulutin ang mga pusong nagkalat sa daan.


###
*pakinggan ang kanta dito Delubyo - Armi Millare