Mahaba ang daan patungong Malibcong, Abra. Kahit ako na hindi sanay matulog sa byahe ay napaidlip. Paano pa kaya ang isang bata? At habang binabagtas ng jeep ang mabato, maalikabok, makitid, at nakamamatay na daan patungong sulok-sulok na kanayunan, naidlip muna ang paslit habang yakap-yakap ng kanyang ina. ###
Showing posts with label Abra. Show all posts
Showing posts with label Abra. Show all posts
Monday, 6 May 2013
Tuesday, 16 April 2013
Ang Araw ng Pagtatapos para sa mga Kabataan ng Tineg
“Goodbye 4th Year.”
Ito ang nakasulat sa dingding ng isang gusali sa Caganayan National
High School kung saan kami dumalaw. Para sa iba, natural lang namang maging
sentimental sa papalapit na paglisan sa highschool patungong kolehiyo. Sabi nga
nila, mas independent, mas exciting at bagong mundo. Pero para sa kabataan ng
Tineg [na syang panglimang pinakamahirap na munisipyo batay sa datos ng NSCB –
Poverty Incidence noong 2009 sa Cordillera], mas malalim ang kahulugan ng
pagtatapos sa highschool.
Masaya ang mga bata kapag may pagtitipon sa kanilang
lugar. Paminsan-minsan lang kasi sila makakita ng
bagong mga mukha.
|
Isang educational discussion o Family Development Session
kung tawagin sa aming programa ang aming isinagawa kasama ang ilang kabataan ng
Brgy. Caganayan. Ito na ang pangalawa sa walong barangay ng Tineg na pinakamalapit
o accessible tuwing tag-araw. Hindi bababa sa anim na oras ang biyahe lulan ng
jeep papunta rito mula Bangued, Abra kung tag-araw. Ibang usapan ang tag-ulan
dahil hindi na talaga kayang daanan ang lugar sa lalim ng putik at sa mga
landslides. Mararating na lamang ito sa pamamagitan ng paglalakad/ pagha-hike.
Ibang usapan rin ang Upper Tineg dahil talagang lakad at pagtawid sa ilog ng
ilang araw kinakailangan. Walang
kuryente sa lugar na ito at iilang kabahayan lamang ang may kakayanan na gumamit ng mga maliliit na solar panel para sa ilaw. Isa rin sa mga problema
rito ang access sa tubig kung kaya’t walang mga poso o gripo sa mga kabahayan.
Sa ilog lahat nanggagaling ang pangangailangan, sa pagkain o pagsasaka man.
Tinipon namin ang mga kabataang taong 12-17 upang ibahagi ang tungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad (Child Rights
and Responsibilities). Sa tulong ng isang guro sa barangay, halos tatlong oras namin
silang nakasama sa diskusyon na iyon.
Sa bandang huli, kanilang ibinahagi ang mga saloobin ukol sa
kalagayan ng kanilang munisipyo at kung ano ang magagawa nila bilang mga bata
para sa kanilang komunidad. At hindi nga kami nagkamali nang malaman namin ang kanilang
mga ninanais -- ang magkaroon ng kuryente at transportasyon sa lugar. At ayon
sa kanila, para sa ikauunlad ng munisipyo, mag-aaral sila ng mabuti para
makatulong sa kanilang bayan.
Bago kami umalis, ipinaalala namin sa kanila na mahalagang
malaman nila ang kanilang karapatan at responsibilidad para malaman nila ang kanilang pangangailangan. Ang pagkamit sa mga pangangailangang ito ang siyang
katulungan nila sa pagpapa-unlad ng kanilang mga pamilya, at lalo na ng
kanilang bayan.
Sumabay kami sa jeep kasama ng mga pulis.
Topload for six hours pabalik ng Bangued, Abra
habang tirik na tirik ang araw.
|
“Goodbye 4th Year.”
Malalim ang kahulugan ng mga vandalism sa likod ng eskwelahan.
Wala naman nang ibang patutunguhan ang mga kabataang ito kung hindi ang harapin
ang hamon ng buhay sa kanilang bayang matagal na panahon nang naging mailap ang
kaunlaran. Mapalad pa nga sila at nakaabot sila ng 4th year hindi
natulad ng kanilang mga lolo at lola na hindi man lang nakapag-aral dahil wala
pang eskwelahan o di kaya’y malayo ang paaralan noon.
Mapayapa ang pamumuhay sa Tineg. Sa kapayakan ng pamumuhay
dito, hindi na ninanais ng mga nakatira na umalis o pumili ng iba pang lugar sa
Abra. Ika nga ng mga matatanda, dito na nabuhay ang kanilang mga ninuno, dito na
rin sila mamamatay. Katulad ng iba pang mga tao sa ibang munisipyo sa
Cordillera, hinihintay lamang nila na muli ay mabigyan ng pag-asa at
pagkakataon ang kanilang bayan na makatamo ng kaunlaran sa kabila ng maraming
hamon.
###
Subscribe to:
Comments (Atom)