Dumating ang huling gabi ng tag-araw. Hindi na maalinsangan, at namumuo na sa mga sulok ng kanyang kuwarto ang mumunting lamig.
Ipinagdasal niya dati ang gabing ito.
Darating ang kanyang sundalo na may baong init ng pag-ibig mula sa mahabang pakikidigma.
###