Showing posts with label maikling kuwento. Show all posts
Showing posts with label maikling kuwento. Show all posts

Sunday, 6 April 2014

Ang huling gabi ng tag-araw

Dumating ang huling gabi ng tag-araw. Hindi na maalinsangan, at namumuo na sa mga sulok ng kanyang kuwarto ang mumunting lamig. 

Ipinagdasal niya dati ang gabing ito. 


Darating ang kanyang sundalo na may baong init ng pag-ibig mula sa mahabang pakikidigma. 



### 

Thursday, 26 December 2013

Lunch Break

Gusto niyang imbentuhin ang bagong sarili.
Pipili siya ng mga salita, ng mga kulay. Tumitig sya sa salamin. Kaunting taas, kaunting lapad. Kaunting lalim.
Inihaplos sa buhok ang langis na niluto noong Biyernes Santo. Pumikit. Sumamba siya sa demonyo (patay si Jesus noong Biyernes).
Mas maitim sa gabi ang mga mata niya. Mas matalim ang mukha kaysa kay Naruto.
Nagtatawanan ang mga tao sa labas ng silid. Ala una na. Ngunit sa kanyang mundo, kanina natapos ang araw at mahaba na masyado ang gabi. 
Naalala niya ang amoy ng sinangag kaninang umaga na niluto ng kapit-bahay niya. Gusto niya bigla ng longganisa.
Lumabas siya ng silid. Dinala ang walis at trash bin.
“Kuya, pakilinis naman 'tong area ko” sabi ng unang babaeng nakita niya.
Tumunog ang kumakalam niyang sikmura. 
###