Showing posts with label tag-araw. Show all posts
Showing posts with label tag-araw. Show all posts

Sunday, 6 April 2014

Ang huling gabi ng tag-araw

Dumating ang huling gabi ng tag-araw. Hindi na maalinsangan, at namumuo na sa mga sulok ng kanyang kuwarto ang mumunting lamig. 

Ipinagdasal niya dati ang gabing ito. 


Darating ang kanyang sundalo na may baong init ng pag-ibig mula sa mahabang pakikidigma. 



### 

Thursday, 30 January 2014

Mga Simula

Alam mong magtatapos itong tag-araw ngayong gabi. Dumating na rin ang lamig na lagi noong nagdadalawang-isip kung tutuloy o hindi sa ating pintuan. Bumalikwas ka ng higa. Marahil, ito na ang huling gabing pagpapawisan ka sa kaalinsanganan nitong kuwarto.
Ikinulong natin itong tag-araw sa pagitan ng ating mga dibdib,
mga labi,
mga palad,
mga salita.
Tititig ako sa kanan, ikaw sa kaliwa gayung parehong kadiliman itong ating nakikita. May puwang na ang lamig sa ating pagitan. Naging katahimikan ito na parang hindi na masisidlan pa ng anumang tunog kahit pa ang sumisigaw na tibok ng aking puso.
At ilang saglit pa,
mararamdaman ko ang iyong paglisan.
Ngayong gabi, alam mong magtatapos itong tag-araw. ### 092011