Ganito ang katahimikan sa loob ng aking kuwarto:
May telebisyong hinahalo ang sarili sa kulay at liwanag. May bukas na bintanang naghihintay sa pagdampi ng hangin. Hindi na sumasayaw ang kurtina. Hindi na umuungol ang mga pusa sa kalsada.
Sa papel, sa aking mesa, isinusulat ng katahimikan ang kawalan ng salita. Hindi na matutulugan ang kalahati ng kama.
Sa kabilang panig ng mundo, may isinarang kabanata sa isang kuwento ng pag-ibig.
###
(repost) 05302012