Tuesday 20 August 2013

Pagbabalik

May ipinapaala sa akin itong bagyo’t ulan.

Kahapon, rumaragasa sa labas ng opisina ang tubig-ulan. Mabuti na lang at hindi katulad ng Maynila dito na binabaha kaunting kembot lang ng ulan.


Wala akong payong. Wala akong kapote. At walang balak tumila itong ulan.

Nakatitig lang ako sa daan (highway tapat ng opisina) habang ang ibang katrabaho ko’y paalis na at pauwi. Naisip kong magkape sana muna sa labas, pampainit bago umuwi ng boarding house pero wala nga akong payong.

“Magdala ka kasi ng payong” sabi ng isang katrabaho ko na noong una’y nagtatanong kung makikisabay  akong papuntang SM. Tumanggi ako at ngumiti.

Matagal ko nang hindi naririnig ang ganoong paalala. Kinalkal ko ang bag ko para mahanap ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mama.

Mang, kumusta kayo ditan?*

###


*(Ilocano) Mang, kumusta na kayo diyan? 

6 comments:

  1. uy..namiss si mudrakels...haha...

    every weekend tuwing uuwi ako, hindi ko kinakalimutang yakapin si mama at sabihin kung gano ko kamiss ang bahay at ang luto nya...

    as for the payong, hindi rin ako nagdadala ng payong :/ goodluck satin..haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo. Malapit na daw yung baha sa bahay :(

      Delete
  2. guess still needs to read more of your posts

    ReplyDelete
  3. Hindi rin ako nagdadala ng payong! Naiwawala ko kasi eh hahaha.

    Bigla ko ding na miss nanay ko at mga luto nya! hayyy gusto ko ng umuwi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tubuan sana ng mga paa sa mukha ang mga nagnanakaw ng payong lalo na sa coffee shops! hehe

      Delete