Friday 30 August 2013

Pamamaalam

First year college ako noong isinulat ko ito para sa Freshie Poetry Jam. 

***

Makitid ang kama sa iyong kuwarto
Subalit nagawa mong palawakin ang aking mundo.
Hindi na ako naghanap ng iba pang init
Bukod sa dulot ng mga yakap mo.

Kape natin sa maalinsangang gabi ang mga halik
At ang bawat salitang binibigkas ay pangarap,
Habang sinusubukan nating malaman
Kung tunay ba ang nararamdaman
O sadyang pagkalito lamang.

Ganun ang init lamig sa kuwarto mo.
Madilim, masikip, makitid
Subalit pinili kong yakapin ito.

Pinilit kong isiping kasama rin ako sa paglalakbay
Ng mga ningning sa iyong mata—
            --habang nasa piling kita.

Pinilit kong talikuran ang ako,
At palayain ang isa pang katauhan ko—
            na nakatago sa iyo.

masarap damhing may karamay ako sa pagkabigo
            at pagsasaya
subalit paggising kinaumagahan,
tanging kumot at unan na lamang
ang aking hagkan. ###


Agosto 2005

14 comments:

  1. Pinakagusto ko yung unang stanza. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung hindi ako nagkakamali, pelikula ni assunta de rossi ang inspirasyon ko dito. Naalala ko lang. Hehe salamat!

      Delete
  2. Saklap ser.

    Mukang freshman ka pa lang may katabi na sa kama ah. Lol. Peace pre!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron pero nothing sexual pa nun. Wish ko lang. Joke leng. Haha

      Delete
  3. Ang hapdi naman ng ending! One of your emo post, magaling pa rin! Walang kupas!

    ReplyDelete
  4. (sigh) Ang sariwang pag-ibig ng kabataan.

    ReplyDelete
  5. awwts..... ang hirap mag-let go.. naalala ko lang...

    ReplyDelete
  6. Pa copy isha shoutout ko hihi

    ReplyDelete
  7. "Makitid ang kama sa iyong kuwarto
    Subalit nagawa mong palawakin ang aking mundo." - dito pa lang nakuha mo na ako.

    galing!

    ReplyDelete