Monday, 23 September 2013

Kupido I

‘Yung lasa ng dugo ay malansa na may kaunting alat. Hindi niya alam kung babangon ba sya o diretsong hihiga na lang sa sofa na nasabik yata sa katawan niya.
Masyadong nakakasilaw ang liwanag ng bulb sa sala. Binasa ng laway ang labi. May bagang gumagapang sa leeg niya. Kinagat ang labi tsaka ibinukas ang mata.
Itinulak niya si Kupido. Inalis ang palaso na nakatusok sa dibdib.
‘Putangina mo!’
Tumayo si Abel na parang nagkaroon ng panibagong lakas. Nalasahan ulit ang dugo mula sa namamanhid na labi.
Nakita niya ang puso niya sa kamay ni Kupido. Pumipintig ito. Naririnig niya. Papalakas ng papalakas.
Natatakot siyang marinig ito ng kanyang mga kabahay na abalang nanunuod ng porn sa kani-kanilang mga kuwarto. Naalala niya ang mga pusang kung makapagkantutan sa isa't isa ay parang walang bukas. Baka pumasok sila sa loob ng bahay at kainin ang kanyang puso.  
Ngumisi si Kupido. Nakahubad siyang naglakad. Papalapit. Malapit na malapit.
Naramdaman niya ulit ang palasong nakasaksak sa dibdib niya. Bagamat malayo ang puso, siya namang sakit na pilit niyang ipinadarama sa kanyang sarili. At hinayaang niyang kagatin ni Kupido ang kanyang mga labi na kanina pa dumurugo at namamaga. ###
Habang nakatambay/ trapped dito sa Greenhills. 

14 comments:

  1. Gusto ko tong tema na to... interesting, series to di ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa lang po to. repost pa mula sa dating blog. hindi na nadugtungan. hehe

      Delete
  2. ang morbid ni Kupido dito ah! heartache and pain ang hatid ng kanyang palaso...

    ReplyDelete
  3. masyadong madugo. at may naalala kong sa dinakot na puso. at takot ako sa dugo. Naiimagine ko si Kupido ay si Ryuk ng Deathnote na nanghahalik... waaa.. nagkagulu-gulo na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha alam mo kahit may kopya ako niyan hindi ko pa pinapanuod ng buo. hehe

      Delete
  4. This is like Haruki Murakami. Yes, it's like Murakami's written a story in one of his horniest moments. hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow. Hahaha hindi nga lang cat killer si kupido :)

      Delete
  5. Kahit morbid at SPG ang dating, malaman 'tong post. :)

    ReplyDelete
  6. karinyo brutal si kupido. i like

    ReplyDelete