Wednesday, 18 December 2013

Lusaw

Isang malungkot na kanta ang pagkalusaw ng usok sa mga espasyo.
Nagbubunsod ito ng emosyon, parang kantang theme song ng isang trahedya, ng isang kwentong (madalas o) pilit na kinakalimutan. Minsan buo, makapal o di kaya’y manipis.
Hinahayaang tumungo’t lusawin ng espasyo o di kaya’y hinahawi na parang lamok.
Ganito yata ang katahimikan kapag napupuno na lamang ito ng hithit-bugang palitan ng mga salitang isinilid sa mga usok upang maglaho ng tuluyan, at pagsisisihang hindi nasabi ni minsan.
Ganito tayo nalulusaw tungong kawalan. ###

6 comments:

  1. Life is full of regret if you choose to....
    But why choose to hide? Why choose not to tell? Not to show? When you have a choice... We always have a choice...

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. Haha. Iniisip ko kung paano ito kakantahin deh

      Delete