Saturday, 22 February 2014

Paumanhin

Hinubad nya ang damit sa harap ng salamin. Tumitig sa katawan na parang batang bumalik sa kinalakhang bayan. Ginalugad niya muli ang mga mga kurba,
ang mga peklat, ang mga bahagi kung saan minsan, isang estranghero ang tumatalunton.
Humingi siya ng paumanhin sa sarili. Kinagat ang daliring nakatakip sa mga labing nanginginig. May kalungkutan, may galit.
Dinamitan nya ang sarili at nagpasyang magtungo sa banyo upang linisan ang mga bakas ng estrangherong minsan umapak sa kanyang katawan. ### 02042013

13 comments:

  1. Bakit mo pinayagan ang estranghero? Bakit? Ayan tuloy, nagmarka sya.

    ReplyDelete
  2. paghupa ng gyera saka lamang natin naaalala na una sa lahat dapat minamahal natin ang ating sarili...

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. Haha ganoon ba? Hindi naman masyado.

      Delete
  4. This really reminds me of this Jo Barrios piece na ginamit sa Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Wait hanapin ko..

    Ito! http://www.youtube.com/watch?v=cZ4LQAdeX9w

    ReplyDelete
    Replies
    1. SHET. Hanggang ngayon hindi ko pa napapanuod tong pelikulang ito. Pati yung Sana Dati. :((

      Delete
  5. Sana ako nlng yung estranghero lols

    ReplyDelete
  6. ang husay nito.
    Di ko mapigil ang imahinasyon ko.

    ReplyDelete