Wednesday 23 August 2017

Laundry Day

"Kung liligaya ka sa piling ng iba..."

Ito ang tugtog sa loob ng laundry shop. Medyo may tampuhan yata itong mag-asawang may-ari ng shop. Kanina pa ipinapapatay ng lalaki ang tugtog. Nakatingin lang sa labas si ate. Itinangay ng jeep ang pag-iisip. Mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa labas. Nakikisabay ang busina ng mga jeep sa boses ni Imelda Papin, kasabay ng ikot ng mga laundry machine. Paulit-ulit. 


Ito siguro ang musika nila araw-araw. Ganito sila umiibig at nagtitiis. ###

3 comments:

  1. hello. i just want to let you know na hangang-hanga ako sa'yong magsulat. ang gaganda ng mga isinusulat mo. maiiksi man ay makahulugan at tinatamaan ako. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Aris, ang late nito pero salamat sa pagbisita!

      Delete
  2. Kakalaba ko lang ng dalawang linggong damit, mga 22 kilos siguro yun. May kwentong laundry shop din ako. Hahaha!

    ReplyDelete